₱186-M, inilaang pondo para sa cash gift ng mga Pinoy centenarians ngayong taon

Kasama si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa mga makakabenepisyo sa cash gift para sa Filipino centenarians ngayong taon. Ayon kay Quezon City Representative Marvin Rillo, isa si Enrile sa mga makatatanggap ng ₱100,000 centenarian gift na pinondohan ng kabuuang ₱186-million sa ilalim ng 2024 National Budget. Sa February 14, ipagdiriwang ni Enrile ang… Continue reading ₱186-M, inilaang pondo para sa cash gift ng mga Pinoy centenarians ngayong taon

Sen. Nancy Binay, iginiit na di ‘magic solution’ ang Economic Cha-Cha sa economic issues ng bansa

Pinaalalahanan ni Senador Nancy Binay ang publiko na hindi ‘magic solution’ ang panukalang Economic Cha-Cha sa mga problemang kinakaharap ng ekonomiya ng Pilipinas. Ayon kay Binay, mahalagang maintindihan ng publiko na ang pag-amyenda sa economic provision ng Saligang Batas ay hindi lang ang natatanging solusyon sa problema ng ating ekonomiya. Ginawa ng senador ang pahayag… Continue reading Sen. Nancy Binay, iginiit na di ‘magic solution’ ang Economic Cha-Cha sa economic issues ng bansa

Davao de Oro solon, di isinasantabi ang pagkakaroon ng imbestigasyon sa landslide sa Maco Davao de Oro

Hihintayin muna ni Davao de Oro Representative Ruwel Peter Gonzaga ang report ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) kaugnay sa nangyaring pagguho ng lupa sa Maco, Davao de Oro kung saan hindi bababa sa 50 ang nasawi. Ayon kay Gonzaga, sa ngayon, nakikita nila ang insidente bilang isang natural calamity. Paliwanag ng kinatawan, noong nakaraang… Continue reading Davao de Oro solon, di isinasantabi ang pagkakaroon ng imbestigasyon sa landslide sa Maco Davao de Oro

Publiko, inanyayahang tumutok at makisali sa pagtalakay ng Economic Cha-Cha

Hinikayat ni Senate Subcommittee on Constitutional Ammendments Chairperson Senador Sonny Angara ang publiko na makinig at tutukan ang mga ginagawa nilang pagdinig tungkol sa panukalang amyenda sa economic provision ng Saligang Batas ng bansa (Resolution of Both Houses no. 6). Ito, ayon kay Angara, ay para mas maintindihan ng taumbayan ang mga ipinapanukalang amyenda na… Continue reading Publiko, inanyayahang tumutok at makisali sa pagtalakay ng Economic Cha-Cha

Pagpapalakas ng pwersa ng Pilipinas sa Batanes, di paghamon ng giyera sa ibang bansa — Philippine Navy

Nilinaw ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Trinidad na hindi paghahamon ng giyera sa ibang bansa ang pagpapalakas ng pwersa ng Pilipinas sa dulong hilaga ng bansa malapit sa Taiwan. Paliwanag ni Commodore Trinidad, ang Mavulis Island na pinaka-hilagang isla ng Pilipinas, ay nasa Balintang Channel o Bashi Channel, na… Continue reading Pagpapalakas ng pwersa ng Pilipinas sa Batanes, di paghamon ng giyera sa ibang bansa — Philippine Navy

DND sa China: Tigilan ang pagbabanta at mapanghamong aktibidad

Binuweltahan ng Department of National Defense (DND) ang China matapos balaan ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin ang mga opisyal ng Pilipinas na mag-ingat at huwag maglaro ng apoy pagdating sa isyu ng Taiwan. Sa isang kalatas na inilabas ni DND Spokesperson Director Arsenio Andolong nitong Sabado, sinabi ng opisyal na dapat tigilan ng… Continue reading DND sa China: Tigilan ang pagbabanta at mapanghamong aktibidad

NEDA, magsasagawa ng online public consultation para sa pagbalangkas ng IRR para sa Trabaho Para sa Bayan Act

Bilang bahagi ng hakbang upang mapagsama-sama ang bawat stakeholder, magsasagawa ng online public consultation ang National Economic and Development Authority (NEDA). Ito’y para sa pagbalangkas ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa Trabaho para sa Bayan Act. Ayon sa NEDA, layon nito na palakasin pa ang workforce ng bansa upang mabigyan ng disenteng trabaho… Continue reading NEDA, magsasagawa ng online public consultation para sa pagbalangkas ng IRR para sa Trabaho Para sa Bayan Act

Halos ₱72-M halaga ng ayuda, naipamahagi ng pamahalaan para sa mga apektado ng malawakang pagbaha sa Mindanao

Inatasan ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairperson at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang Office of the Civil Defense (OCD) na tiyaking makararating ang tulong ng pamahalaan. Ito’y para sa mga residenteng matinding naapektuhan ng malawakang pagbaha sa CARAGA Region bunsod ng ilang araw na walang patid na mga pag-ulan doon… Continue reading Halos ₱72-M halaga ng ayuda, naipamahagi ng pamahalaan para sa mga apektado ng malawakang pagbaha sa Mindanao