Nagtulong-tulong ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang mga volunteer ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagkakarga ng family food packs sa warehouse ng DSWD sa Cabuyao, Laguna.
Ito ay ipamamahagi sa mga pamilyang apektado ng pagbaha sa Mindanao.
Nasa 17,000 kahon ng food packs ang pinagtulungan na ikarga ng mga tauhan ng DSWD at BFP sa 10 trucks ng Office of Civil Defense.
Inatasan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang ahensya na patuloy na maghatid ng relef aid sa Mindanao.
Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na paigtingn ang whole-of-government approach sa pagbibigay ng tulong sa mga pamilyang apektado ng masamang panahong dulot ng shearline at low pressure sa Davao Region. | ulat ni Diane Lear