Sen. Legarda at Sen. Jinggoy, iginiit na walang katotohanan ang plano tungkol sa leadership change sa Senado

Binigyang diin ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda na walang leadership change na niluluto ngayon. Ayon kay Legarda, buo ang kanilang suporta sa liderato ni Senate President Juan Miguel Zubiri. Giit ni Legarda, sa ngayon ay nakatuon ang kanilang atensyon sa trabaho at ayaw nilang pag-usapan ang politika o anumang pagbabago sa panahong ito.… Continue reading Sen. Legarda at Sen. Jinggoy, iginiit na walang katotohanan ang plano tungkol sa leadership change sa Senado

Kamara, naglabas na rin ng subpoena kay Kingdom of Jesus Christ Executive Pastor Apollo Quiboloy

Naglabas na rin ang House of Representatives ng subpoena kay Kingdom of Jesus Christ executive Pastor Apollo Quiboloy. Sa kopya ng subpoena na inilabas ng Office of the Speaker, pinadadalo si Quiboloy sa susunod na pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises sa darating na Marso 12, ala-una ng hapon. Patungkol ito sa imbestigasyon sa… Continue reading Kamara, naglabas na rin ng subpoena kay Kingdom of Jesus Christ Executive Pastor Apollo Quiboloy

DSWD, pinuntahan ang mga liblib na lugar sa Oriental Mindoro para maabot ang 4Ps beneficiaries

Sinuong ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang liblib na barangay sa Mansalay, Oriental Mindoro. Ito’y upang magsagawa ng learning sessions sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Ayon kay DSWD Assistant. Secretary Romel Lopez tatlong ilog at ilang bundok ang tinahak ng DSWD team,para lang makapagsagawa ng… Continue reading DSWD, pinuntahan ang mga liblib na lugar sa Oriental Mindoro para maabot ang 4Ps beneficiaries

P14.2-M multa, nakolekta sa mga colorum na sasakyan ngayong Pebrero – SAICT

Inihayag ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) na pumalo sa P14.2 milyon na multa ang nakolekta sa mga colorum o hindi rehistradong mga public utility vehicle (PUV) simula February 1 hanggang 15. Ito ay sa pinaigting na Anti-Colorum Campaign ng SAICT at sa pakikipagtulungan sa Philippine Coast Guard at Land Transportation Office.… Continue reading P14.2-M multa, nakolekta sa mga colorum na sasakyan ngayong Pebrero – SAICT

Inflation sa bansa, mananatili sa target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas ayon sa mga ekonomista sa bansa

Inaasahang mananatili sa target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nasa 2 to 4 percent ang inflation hanggang sa taong 2026. Sa isinagawang survey ng BSP sa mga ekonomista sa bansa, sinabi nito na para sa taong 2024 hanggang 2025 nasa tinatayang 3.9% to 3.4% ang inflation. Parehas ito sa pagtaya ng BSP,… Continue reading Inflation sa bansa, mananatili sa target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas ayon sa mga ekonomista sa bansa

Mga mag-aaral na biktima ng pang-aabuso, hinikayat ng DepEd na dumulog sa kanilang Learners Telesafe Contact Center Helpline

Patuloy na itinataguyod ng Department of Education (DepEd) ang pagkakaroon ng safe space ng mga mag-aaral. Kaya naman hinikayat ngayon ng DepEd ang mga estudyante gayundin ang kanilang mga magulang na huwag mag-atubiling dumulog sa kanilang Learners Telesafe Contact Center Helpline. Ayon sa DepEd, hindi dapat ipagsawalang-bahala ang anumang uri ng pang-aabuso. Batay sa datos… Continue reading Mga mag-aaral na biktima ng pang-aabuso, hinikayat ng DepEd na dumulog sa kanilang Learners Telesafe Contact Center Helpline

Seasonal workers sa South Korea, kailangang dumaan sa proseso ng DMW

Naglabas ng abiso ang Department of Migrant Workers (DMW) kaugnay sa mga panuntunan na dapat sundin kaugnay sa Seasonal Worker Program ng South Korea. Ang Seasonal Worker Program ng South Korea ay isang kasunduan sa pagitan ng lokal na pamahalaan sa Pilipinas at South Korea. Ito ay short-term employment para sa mga foreign agriculture worker… Continue reading Seasonal workers sa South Korea, kailangang dumaan sa proseso ng DMW

Pamahalaan, pinaiigting ang mga hakbang upang matugunan ang mataas na presyo ng bigas, ayon sa NEDA

Pinabibilis na ng pamahalaan ang mga hakbang upang matugunan ang hamon sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ito ang inihayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan kasunod ng lumabas na survey ng OCTA Research. Ayon kay Balisacan, minamadali na ng Marcos Administration ang mga hakbang upang matugunan ang pagtaas ng… Continue reading Pamahalaan, pinaiigting ang mga hakbang upang matugunan ang mataas na presyo ng bigas, ayon sa NEDA

Pagpasa ng Senado sa Wage Hike Bill, pinuri ng partylist solon

Welcome kay House Assistant Minority Leader and Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang pagpasa ng Senado sa pangatlo at panghuling pagbasa ng Senate Bill 2534 na layong taasan ang daily minimum wage ng mga mangagawa sa pribadong sector ng P100. Ayon kay Brosas, bagaman ang P100 increase sa sweldo ay hindi sapat para makamit… Continue reading Pagpasa ng Senado sa Wage Hike Bill, pinuri ng partylist solon

Pilipinas, nakakuha lang ng 3% ng pamumuhunan mula sa kabuuang investment na pumasok sa ASEAN region

Ibinahagi ni House Committee on Economic Affairs Vice-Chair Mikka Suansing na sa kabuuang investment na pumasok sa ASEAN Region ay tatlong porsiyento lang ang piniling mamuhunan sa Pilipinas. Dahil dito, binigyang diin ni Suansing na panahon na talagang amyendahan ang ating Saligang Batas. Sa press conference sa Kamara, sinabi ng mambabatas na sa kabila ng… Continue reading Pilipinas, nakakuha lang ng 3% ng pamumuhunan mula sa kabuuang investment na pumasok sa ASEAN region