Murang bilihin ng Kadiwa, isang linggong iaalok sa loob ng tanggapan ng DA Central Office

Bukod sa ADC Kadiwa Store sa Elliptical Road, Quezon City, nagbukas rin ngayong araw ang Kadiwa sa loob mismo ng tanggapan ng Department of Agriculture, Central Office. Isang linggong iaalok ang mga murang gulay, prutas, bigas, at bilihin sa mga kawani ng DA bilang bahagi ng anibersaryo ng DA Employees Association. Kasama sa mabibili sa… Continue reading Murang bilihin ng Kadiwa, isang linggong iaalok sa loob ng tanggapan ng DA Central Office

NEDA ikokonsidera ang tax break sa e-motorcycles sa pagrepaso sa EV incentives

Nakatakdang repasuhin sa susunod na linggo ang executive order na nagbabago sa tariff rates para sa electric vehicles (EVs), kung saan posibleng maisama ang e-motorcycles sa listahan ng mga sasakyan na nakikinabang sa tax breaks. Naunang sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Arsenio Balisacan na ang Executive Order No. 12, series of … Continue reading NEDA ikokonsidera ang tax break sa e-motorcycles sa pagrepaso sa EV incentives

Ilang taga-Pasig City, pabor sa panukalang community service bilang parusa sa mga nagkakalat ng basura

Pabor ang ilan nating kababayan na patawan ng community service ang ilang mga pasaway na walang patumanggang nagtatapon ng basura kung saan-saan. Ito ang pinulsuhan ng Radyo Pilipinas sa pag-iikot sa Pasig City ngayong umaga. Ayon sa ilang mga pinagtanungan ng RP1, tila hindi na kasi iniinda ng ilang pasaway ang multa sa tuwing sila’y… Continue reading Ilang taga-Pasig City, pabor sa panukalang community service bilang parusa sa mga nagkakalat ng basura

Selebrasyon ng Rodeo Festival 2024 sa Masbate, kasado na

Kasado na sa lalawigan ng Masbate ang kanilang selebrasyon ng Rodeo Festival 2024, makaraan ang isagawa ang kick-off ceremony nito noong ika-16 ng Pebrero. Ang nasabing kick-off ceremony ay sinimulan sa pagsasagawa ng motorcade kasunod ang isang programa sa Masbate Grand Rodeo Arena sa Masbate City. Kasabay nito ay nagsagawa rin ng pagpirma ng memorandum… Continue reading Selebrasyon ng Rodeo Festival 2024 sa Masbate, kasado na

Presyo ng ilang bilihin sa Kalentong Public Market sa Mandaluyong City, nananatiling mababa

Aabot sa ₱50 ang ibinaba sa presyo ng mga gulay sa Kalentong Public Market sa Mandaluyong City. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, sibuyas ang lumalabas na pinakamababa ang presyo sa mga itinitinda rito. Sibuyas – (Puti) ₱80/kilo; (Pula) ₱100/kilo. Naglalaro naman sa ₱50 hanggang ₱80 ang kada kilo ng talong, ampalaya, beans, at ang kalabasa… Continue reading Presyo ng ilang bilihin sa Kalentong Public Market sa Mandaluyong City, nananatiling mababa

Higit 16,000 magsasakang naapektuhan ng mga pag-ulan sa Caraga at Davao, naayudahan na ng pamahalaan

Patuloy na nakatutok ang Department of Agriculture (DA) sa lagay ng mga magsasaka sa Davao at Caraga Region na tinamaan ng magkakasunod na pagtama ng shearline, northeast monsoon, at trough ng low-pressure area (LPA). Ayon sa DA, umabot sa higit ₱16-na milyong halaga ng binhi at concessional loans ang naipaabot na ng pamahalaan sa 16,521… Continue reading Higit 16,000 magsasakang naapektuhan ng mga pag-ulan sa Caraga at Davao, naayudahan na ng pamahalaan

Kumakalat na mensahe kaugnay ng umano’y ‘chop-chop syndicate,’ fake news — QCPD

Muling nagpaalala ang Quezon City Police District (QCPD) sa publiko na mag-ingat sa pagpapakalat ng mga mensahe o impormasyon online. Ito’y kasunod ng mensaheng kumakalat sa social media kaugnay sa umano’y insidente na may kinalaman sa ‘chop-chop syndicate’ o scam ng ilang indibidwal na nagpapanggap na pulis. Matapos itong imbestigahan ng QCPD, lumalabas na hindi… Continue reading Kumakalat na mensahe kaugnay ng umano’y ‘chop-chop syndicate,’ fake news — QCPD

CSC Chairperson, pinangunahan, ang muling pagbubukas ng computerized examination ng CSC BICOL

Mismo si CSC Chairperson Karlo Nograles, ang panauhing pandangal at tagapagsalita ng buksan muli ng Civil Service Commission V, ang Computerized Examination o COMEX  sa lungsod ng Legazpi.  Kasama si Regional Director Atty Daisy Punzalan Bragais, at hanay ng media.  Una na ng nagkaroon ng Computerized Examination sa Regional Office dito noong 2014, subalit ito… Continue reading CSC Chairperson, pinangunahan, ang muling pagbubukas ng computerized examination ng CSC BICOL

Sen. Jinggoy Estrada, pinuntong ang daily minimum wage earners lang ang sakop ng panukalang ₱100 legislated wage hike

Nilinaw ni Senate Committee on Labor Chairperson Senador Jinggoy Estrada na ang mga empleyado lang na sumasahod ng minimum wage ang sakop ng panukalang ₱100 legislated wage hike. Ayon kay Estrada, hindi saklaw ng panukalang dagdag sahod ang mga nasa managerial position. Sinabi ng senador na isinulong nila ang panukalang ito dahil nakukulangan sila sa… Continue reading Sen. Jinggoy Estrada, pinuntong ang daily minimum wage earners lang ang sakop ng panukalang ₱100 legislated wage hike

Panukala ng NEDA na ‘wag nang pakuhanin ng legislative franchise ang mga telecommunications company, tinutulan

Kinontra ni House Minority leader at 4Ps Party-list Representative Marcelino Libanan ang panukala ng National Economic and Development Authority (NEDA) na huwag nang pakuhanin ng legislative franchise ang mga telecommunications company. Diin ni Libanan, ang pagkuha ng prangkisa sa Kongreso ay isa sa mga paraan upang mabantayan ang interes ng publiko. Kaya hinding-hindi aniya nila… Continue reading Panukala ng NEDA na ‘wag nang pakuhanin ng legislative franchise ang mga telecommunications company, tinutulan