Mga tsuper ng jeep sa Mandaluyong City, magdaragdag ng biyahe matapos tumaas muli ang presyo ng mga produktong petrolyo

Kaniya-kaniyang diskarte na lamang ang mga tsuper ng jeepney sa Mandaluyong City matapos ang malakihang umento sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa terminal ng jeepney sa Pinatubo Street, Mandaluyong City, sinabi ng ilang jeepney driver na tila pinatikim lamang sila ng katiting na rollback noong isang linggo.… Continue reading Mga tsuper ng jeep sa Mandaluyong City, magdaragdag ng biyahe matapos tumaas muli ang presyo ng mga produktong petrolyo

Data Privacy Act, di maaaring gamiting dahilan para di isumite sa Kamara ang listahan ng mga nasibak na pulis — mga mambabatas

Binalaan ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo na magbababa muli sila ng Contempt Order laban sa isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) kung patuloy na hindi tatalima sa hiling ng komite. Ito’y matapos mabigo si Police Colonel Lynette Tadeo, ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) ng PNP… Continue reading Data Privacy Act, di maaaring gamiting dahilan para di isumite sa Kamara ang listahan ng mga nasibak na pulis — mga mambabatas

Pagtalakay sa RBH7, di mamadaliin ng Kamara

Hindi mamadaliin ng Kamara ang pagtalakay sa Resolution of Both Houses no. 7, na nagsusulong ng Economic Charter Amendment. Ito ang tiniyak ni House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe matapos ihain ang “clone” ng Resolution of Both Houses No.  6 na kasalaukuyan namang tinatalakay ng Senado. Aniya, wala silang itinakdang deadline para tapusin ito,… Continue reading Pagtalakay sa RBH7, di mamadaliin ng Kamara

Bilang ng mga indibidwal na apektado ng trough ng LPA sa Mindanao, sumampa na sa 2 milyon

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pamilyang apektado ng malakas na pag-ulan at pagbaha dulot ng trough o extension ng low-pressure area (LPA). Batay sa pinakahuling datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of February 19, umabot na sa higit kalahating milyong pamilya o… Continue reading Bilang ng mga indibidwal na apektado ng trough ng LPA sa Mindanao, sumampa na sa 2 milyon

Tumataas na kaso ng dengue sa QC, tinututukan na ng LGU

Nag-ikot sa mga barangay ang mga tauhan ng Quezon City Health Department at QC Epidemiology at Surveillance Division upang magkasa ng dengue case investigation sa mga lugar na mataas ang kaso ng dengue. Kasama sa pinulong ng mga Disease Surveillance Officer ang mga opisyal ng Barangay Sikatuna Village upang pag-usapan ang sitwasyon ng sengue case… Continue reading Tumataas na kaso ng dengue sa QC, tinututukan na ng LGU

Mga pulis, pinaalalahanan sa tamang paggamit ng social media platform

Pinaalalahanan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang mga tauhan nito na maging responsable sa paggamit ng social media. Ito’y kasunod na rin ng naging paglilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa pagpapatupad ng ban nito sa paggamit ng social media platform na Tiktok. Ayon kay PNP Chief, Police General Benjamin… Continue reading Mga pulis, pinaalalahanan sa tamang paggamit ng social media platform

Agresibong paglahok ng pribadong sektor sa mga infrastructure project ng pamahalaan, paiigtingin pa ng Administrasyon — NEDA

Muling tiniyak ng pamahalaan na kanila pang paiigtingin ang paglahok ng pribadong sektor sa mga infrastructure project ng bansa na makalilikha ng mas maraming trabaho at makapagpapalakas sa turismo at ekonomiya. Ito ang inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) kasunod na rin ng modernisasyon ng pangunahing paliparan ng bansa, ang Ninoy Aquino International… Continue reading Agresibong paglahok ng pribadong sektor sa mga infrastructure project ng pamahalaan, paiigtingin pa ng Administrasyon — NEDA

Combined air patrol sa West Philippine Sea, isinagawa ng PH at US Air Force

Nagsagawa kahapon ng Combined Air Partol ang Philippine Air Force (PAF) at US Pacific Air Force sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Saklaw ng pagpapatrolya ang karagatang nasa 90 milya sa kanluran ng Candon Ilocos Sur, at 50 milya sa hilagang kanluran ng Lubang, Mindoro. Ang aktibidad ang… Continue reading Combined air patrol sa West Philippine Sea, isinagawa ng PH at US Air Force

Pagtatayo sa Baguio ng kauna-unahang Peace and Development Center sa Northern Luzon, pinangunahan ni Sec. Galvez

Pinangunahan ni Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. at Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang groundbreaking Ceremony para sa kauna-unahang Peace and Development Center sa Northern Luzon. Ang ₱50-milyong proyekto na itatayo sa Upper Session Road ang magiging tanggapan ng OPAPRU personnel sa Cordillera Region. Ang… Continue reading Pagtatayo sa Baguio ng kauna-unahang Peace and Development Center sa Northern Luzon, pinangunahan ni Sec. Galvez

Pangangalaga sa mga pamilya ng 6 na nasawing sundalo sa Lanao del Norte, tiniyak ng Philippine Army Chief

Tiniyak ni Philippine Army Chief Lieutenant General Roy Galido na pangangalagaan ng Hukbong Katihan ang kapakanan ng mga pamilya ng anim na sundalong nasawi sa enkwentro nitong Linggo sa pagitan ng militar at Daulah Islamiyah sa Barangay Ramain, Munai, Lanao del Norte. Kasabay ng pakikidalamhati sa mga pamilya ng mga sundalong nag-alay ng buhay, siniguro… Continue reading Pangangalaga sa mga pamilya ng 6 na nasawing sundalo sa Lanao del Norte, tiniyak ng Philippine Army Chief