May kabuuang 21 Solar Pump Irrigation Projects (SPIP) ang natapos ng National Irrigation Administration-Cordillera Administrative Region noong 2023.
Ayon kay Regional Manager Benito Espique, Jr.,19 sa mga solar project ay pinakikinabangan na ng 253 ektaryang lupang sakahan.
Ang proyekto ay pinondohan ng P106.9 milyon sa ilalim ng NIA’s Establishment of Groundwater Pump Irrigation Project Solar Power-Driven Pump Irrigation Projects (EGPIP-Solar).
Siyam sa mga solar irrigation project ay matatagpuan sa Abra, dalawa sa West Apayao Abulug Irrigation System (WAAIS), pito sa Kalinga at isa sa Upper Chico River Irrigation System-Mallig, Isabela area.
Dalawang solar project sa Apayao at Kalinga ang pinondohan ng P30.87 milyon sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program-Irrigation Component (CARP-IC). Aabot sa 87 ektarya ang pinagsisilbihan na nito ngayon.
Ayon sa NIA, ang solar irrigation projects ay karaniwang ipinapatupad sa mga lugar na may mas mataas na elevation kaysa sa pinagmumulan ng tubig.
Bukod dito, dalawang Solar Pump Irrigation Projects na pinondohan din noong 2023 ang tinatapos pa ngayong 2024. | ulat ni Rey Ferrer
📷: NIA