BSP at PDIC, lumagda ng kasunduan para sa “information exchange”

Lumagda ng kasunduan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) para sa information exchange. Ang Memorandum of Agreement (MOA) ay upang palakasin ang kolaborasyon ng dalawang ahensya tungo sa mas resilient at responsive na financial sector. Ayon kay BSP Governor Eli Remolona, ang Revised MOA ay napapanahon upang makasunod ang… Continue reading BSP at PDIC, lumagda ng kasunduan para sa “information exchange”

Ilang mambabatas, hati ang opinyon kaugnay sa isinusulong na panukalang diborsyo

Hati ang opinyon ng ilang mambabatas kaugnay sa Divorce Bill. Kasunod na rin ito ng pagsisimula ng pagtalakay sa plenaryo ng Kamara ng House Bill 9349 o ang “Absolute Divorce Act.” Ayon kay Lanao del Norte 1st District Representative Mohammad Khalid Dimaporo, suportado ng mga Muslim legislator ang panukala, lalo at kanilang relihiyon ay tanggap… Continue reading Ilang mambabatas, hati ang opinyon kaugnay sa isinusulong na panukalang diborsyo

Paglipat ng closing sa kasalukuyang academic year sa Mayo, isang hakbang tungo sa pagbabalik sa dating school calendar – Sen.  Gatchalian

Suportado ni Senate Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian ang pagbabagong ginawa ng Department of Education (DepEd) sa closing ng kasalukuyang academic year sa May 31, 2024 mula sa orihinal na June 14,2024. Ayon kay Gatchalian, isa itong mahalagang hakbang tungo sa pagbabalik sa dating school calendar na nagbubukas ng Hunyo at nagtatapos ng March… Continue reading Paglipat ng closing sa kasalukuyang academic year sa Mayo, isang hakbang tungo sa pagbabalik sa dating school calendar – Sen.  Gatchalian

Pagpasok ng mas maraming foreign investors, makatutulong para maisakatuparan ang panukalang wage hike

Para maisakatuparan ang ipinapanukalang umento sa sahod, ay kailangan munang makapagpapasok ng maraming mamumuhunan sa bansa. Ito ang ipinunto ni House Deputy Majority Leader Janette Garin sa gitna na rin ng pagtalakay ng Kamara sa bersyon nito ng legislated wage hike na nasa ₱350. Aniya, kailangan munang gawing investor friendly ang Pilipinas para maging posible… Continue reading Pagpasok ng mas maraming foreign investors, makatutulong para maisakatuparan ang panukalang wage hike

Rekomendasyon na gawing legal ang motorcycle taxi, pinaaaral na ni Pangulong Marcos Jr.; Kontribusyon ng GRAB sa job creation sa Pilipinas, kinilala ng Pangulo

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-aaral sa mungkahi na gawing legal ang motorcycle taxi, na kasalukuyang ginagamit ng mas maraming commuter sa bansa. Kasunod ito ng naganap na pakikipagpulong ng Pangulo sa mga opisyal ng TNVS na Grab at Department of Transportation (DOTr), upang talakayin ang pagpapalawak pa ng mga oportunidad sa… Continue reading Rekomendasyon na gawing legal ang motorcycle taxi, pinaaaral na ni Pangulong Marcos Jr.; Kontribusyon ng GRAB sa job creation sa Pilipinas, kinilala ng Pangulo

SP Migz Zubiri, nagpasalamat sa tiwala ni Pangulong Marcos Jr. sa Senado na pangunahan ang economic chacha

Nagpasalamat si Senate President Juan Miguel Zubiri sa pagpapahayag nito ng tiwalang binigay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Senado na pangunahan ang review ng economic provision ng 1987 Constitution. Ayon kay Zubiri, gaya ito ng kanilang napag-usapan noong umpisa ng taon. “I thank President Marcos for reiterating his trust in the Senate to… Continue reading SP Migz Zubiri, nagpasalamat sa tiwala ni Pangulong Marcos Jr. sa Senado na pangunahan ang economic chacha

PRC, patuloy ang pagtulong sa mga apektado ng food at water borne health emergency sa Agusan del Sur

Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga indibidwal na apektado ng food at water borne health emergency sa Agusan del Sur. Ito ay matapos na dalhin sa ospital ang mahigit 200 indibidwal dahil sa food at water borne illness sa Barangay Tandang Sora. Nagtayo ang PRC ng welfare desk sa… Continue reading PRC, patuloy ang pagtulong sa mga apektado ng food at water borne health emergency sa Agusan del Sur

PSA, pinaalalahanan ang publiko sa mga kaparusahan sa mapanlinlang na gawain may kaugnayan sa PhilSys

Pinapaalalahanan ng Philippine Statistics Authority ang publiko na may kaparusahan ang anumang mapanlinlang na gawain na may kaugnayan sa Philippine Identification System (PhilSys). Ayon kay PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General, anumang pagtatangka na ikompromiso ang integridad ng PhilSys, ay mapaparusahan alinsunod sa Republic Act 11055 o ang PhilSys Act.… Continue reading PSA, pinaalalahanan ang publiko sa mga kaparusahan sa mapanlinlang na gawain may kaugnayan sa PhilSys

Higit 28k barangay sa buong bansa, idineklara nang ‘drug free’ ng PDEA

Umabot na sa kabuuang 28,247 barangay sa buong bansa ang idineklara nang “drug free” ng Philippine Drug Enforcement Agency. Ito’y batay sa datos ng PDEA mula Hulyo 1, 2022 hanggang ngayong Enero 31, 2024. Sa ngayon, nasa 7,264 na barangay na lang ang apektado ng iligal na droga. Sa isinagawang National Anti-Drug Campaign ng PDEA… Continue reading Higit 28k barangay sa buong bansa, idineklara nang ‘drug free’ ng PDEA

P1.6 bilyong programa para sa kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas, inilunsad ng Estados Unidos

Inilunsad ng Estados Unidos kahapon sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID) ang 1.6 bilyong pisong U.S.-Philippines Partnership for Skills, Innovation, and Lifelong Learning (UPSKILL) Program. Layon ng programa na tulungan na maging mas “Globally competitive” ang mataas na edukasyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsulong ng innovation, workforce development, at entrepreneurship… Continue reading P1.6 bilyong programa para sa kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas, inilunsad ng Estados Unidos