DOJ, tutugisin ang mga gumagamit ng cyanide sa West Philippine Sea

Hindi kukunsintihin ng Department of Justice ang sinumang naninira ng kalikasan. Ito ang binigyang diin ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla bilang pagtalima na rin at pagsuporta sa liderato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay Remulla, determinado ang kaniyang tanggapan na aksyunan ang sinasabing cyanide fishing ng mga Chinese at Vietnamese fishermen sa… Continue reading DOJ, tutugisin ang mga gumagamit ng cyanide sa West Philippine Sea

Planado Program, inilunsad ng DHSUD

Sa layuning mapabilis ang proseso ng land use at urban development sa bansa, inilunsad ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang programang PLANADO (Plan & Do). Isa itong five-year program na tatakbo mula 2024- 2028 na layong mapatatag ang kapasidad ng bawat LGUs sa proseso ng land use at urban development. Pinangunahan… Continue reading Planado Program, inilunsad ng DHSUD

Online scammer, arestado ng ACG sa Cavite

Naaresto ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang isang online scammer na nambibiktima sa Facebook Marketplace sa entrapment operation kagabi, Pebrero 20 sa Padre Burgos St Repolyo, San Roque, Cavite City. Kinilala ni ACG Cyber Response Unit Chief PCol. Jay Guillermo ang suspek na si Romelyn Lobaton, taga-Canacao Bay Samonte Park, Cavite City. Ikinasa ang operasyon… Continue reading Online scammer, arestado ng ACG sa Cavite

DSWD Academy, patuloy sa pagsasanay ng social workers

Panibagong batch ng mga social worker ang sumalang sa capacity-building training ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pamamagitan ng DSWD Academy. Pinangunahan ni DSWD Undersecretary for Standards and Capacity Building Group Denise FB Bernos-Bragas, M.D. ang pagbubukas ng certificate course para sa 40 social welfare assistants na isinagawa sa UP-University Hotel in… Continue reading DSWD Academy, patuloy sa pagsasanay ng social workers

Nakaimbak na armas ng NPA, nadiskubre sa Kabankalan City, Negros Occidental

Nadiskubre ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulis ang nakaimbak na armas ng NPA sa Sitio Makilo, Brgy. Camansi, Kabankalan City, Negros Occidental. Ito ay matapos makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad mula sa isang residente hinggil sa lokasyon nito. Sa pinagsanib na operasyon ng 47th Infantry Battalion, 15th Infantry Battalion, at 604th Mobile… Continue reading Nakaimbak na armas ng NPA, nadiskubre sa Kabankalan City, Negros Occidental

Malinis na tubig, hatid ng MMDA humanitarian team sa mga apektado ng masamang panahon sa Agusan del Sur

Mula Davao del Norte, agad dumiretso sa Agusan del Sur ang humanitarian team ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa Agusan del Sur. Ito’y para maghatid ng malinis na tubig sa mga apektado ng malawakang pagbaha bunsod ng walang tigil na pag-ulan doon dulot ng hanging amihan na pinalala pa ng trough ng Low… Continue reading Malinis na tubig, hatid ng MMDA humanitarian team sa mga apektado ng masamang panahon sa Agusan del Sur

Porsyento ng mga Pilipinong may alam sa ICC probe, tumaas — SWS

Tumaas ang porsyento ng mga Pilipinong may sapat at malawak na kaalaman sa pag-iimbestiga ng International Criminal Court (ICC) sa ‘war on drugs’ noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ito’y batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas nitong Martes. Sa naturang survey, lumalabas na 14% ng mga Pilipino ang may “extensive”… Continue reading Porsyento ng mga Pilipinong may alam sa ICC probe, tumaas — SWS

Desisyon ng DepEd na unti-unting ibalik ang dating school calendar, welcome sa Teachers Dignity Coalition

Welcome sa Teachers Dignity Coalition (TDC) ang inilabas na amendment ng Department of Education (DepEd) sa school calendar for School Year 2023-2024 kung saan magtatapos na sa May 31 ang kasalukuyang school year. Ayon kay TDC Chair Benjo Basas, isang magandang hakbang ito sa kanilang inaasam na pagbabalik ng old school calendar o yaong magsisimula… Continue reading Desisyon ng DepEd na unti-unting ibalik ang dating school calendar, welcome sa Teachers Dignity Coalition

Presyo ng ilang bilihin sa Marikina City Public Market, bumaba

Bumaba ang presyo ng ilang paninda sa Marikina City Public Market ngayong araw. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nabatid na aabot sa ₱20 ang ibinaba sa presyo ng ilang paninda bunsod na rin ng maraming suplay na ibinabagsak sa ilang nagtitinda. Kabilang sa mga bumaba ang presyo ay ang talong na nasa ₱80 kada kilo… Continue reading Presyo ng ilang bilihin sa Marikina City Public Market, bumaba

Zamboanga LGU, patuloy na pinagtitibay ang Oplan: Goodbye Bulate sa lungsod; 85% coverage, target na maabot

Patuloy na pinagtitibay ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga sa pamamagitan ng City Health Office ang Oplan Goodbye Bulate sa lungsod upang maabot ang 85% target coverage. Kabilang sa mga isinasagawang hakbang ng CHO ay ang pagbabahay-bahay at school-based strategies upang maibigay ang deworming tablets sa mga bata at kabataang edad 1-19 na taong gulang.… Continue reading Zamboanga LGU, patuloy na pinagtitibay ang Oplan: Goodbye Bulate sa lungsod; 85% coverage, target na maabot