Mga gawang produkto ng Sustainable Livelihood Program beneficiaries, tampok sa 73rd anibersaryo ng DSWD- Bicol

Tampok sa pagdiriwang ng ika-73 anibersaryo ng Department of Social Welfare and Development Bicol ang paglunsad ng isang trade fair para sa mga gawang produkto ng mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng nasabing ahensya. Mga produkto mula sa anim na probinsya ng Bicol ang ibinida sa loob ng isang mall upang mabigyan ng… Continue reading Mga gawang produkto ng Sustainable Livelihood Program beneficiaries, tampok sa 73rd anibersaryo ng DSWD- Bicol

Backlog sa plaka ng sasakyan, nabawasan na — LTO

Unti-unti nang natutugunan ng Land Transportation Office (LTO) ang problema sa backlog ng plaka ng sasakyan. Sa pagharap ng ahensya sa ipinatawag na pulong ng House Committee on Transportation sinabi ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza na nasa 1.57 million na ang kanilang cleared backlogs. Habang mayroon pang 12.5 million na backlogs ng… Continue reading Backlog sa plaka ng sasakyan, nabawasan na — LTO

DSWD, palalakasin pa ang mga proyektong pangontra sa epekto ng El Niño

Pinaiigting pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga hakbangin nito pangontra sa epekto ng El Niño. Kabilang rito ang Project LAWA o Local Adaptation to Water Access at BINHI o Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished. Sisimulan ang mga naturang programa sa ilalim ng Risk Resiliency Program ng cash-for-training… Continue reading DSWD, palalakasin pa ang mga proyektong pangontra sa epekto ng El Niño

Murang sibuyas, alok sa ADC at DA Kadiwa store ngayong araw

Murang iniaalok ngayong Miyerkules sa dalawang Kadiwa store ang sibuyas. Mabibili na lang sa halagang ₱35-₱36 ang kada kilo ng puting sibuyas (medium at big size) habang ₱50 naman sa kada kilo ng pulang sibuyas. Ayon pa sa Kadiwa store, mayroon ding wholesale price kapag bibili ng 10 kilo na ibebenta na lang na ₱45… Continue reading Murang sibuyas, alok sa ADC at DA Kadiwa store ngayong araw

Flexible work arrangement sa gov’t agencies, muling iminungkahi ng CSC para maibsan ang matinding trapiko sa Metro Manila

Muling hinikayat ngayon ng Civil Service Commission (CSC) ang mga ahensya ng pamahalaan na i-adopt ang flexible work arrangements (FWA) sa kanilang mga tanggapan upang maibsan ang mabigat na trapikong madalas nararanasan sa Metro Manila. Ang pahayag ay bilang suporta na rin sa inisyatibo ng Metropolitan Manila Development Authority ?MMDA) para maisaayos ang daloy ng… Continue reading Flexible work arrangement sa gov’t agencies, muling iminungkahi ng CSC para maibsan ang matinding trapiko sa Metro Manila

Panukalang buksan sa mga dayuhan ang higher education sector ng bansa, layong makatulong sa pagpapasigla ng ekonomiya

Nais matiyak ni Senador Sherwin Gatchalian na makakahikayat ng foreign direct investments sa Pilipinas ang pagluluwag ng constitutional restrictions sa sektor ng higher education. Sa naging pagdinig ng Senate Subcommittee on Constitutional Amendments, iginiit ni Gatchalian sa pagsusulong ng Resolution of Both Houses no. 6 (Economic cha-cha) layong magamit ang sektor ng edukasyon para mapasigla… Continue reading Panukalang buksan sa mga dayuhan ang higher education sector ng bansa, layong makatulong sa pagpapasigla ng ekonomiya

Resolusyon para maimbestigahan  sa Senado ang nangyaring landslide sa Davao de Oro, inihain ni Sen. Legarda

Naghain na si Senate President Pro Tempore Loren Legarda ng resolusyon para maimbestigahan ang nangyaring landslide sa Maco, Davao de Oro na ikinasawi ng maraming residente sa lugar. Nangyari ang naturang insidente noong February 6 malapit sa isang gold mining site sa Barangay Masara, Maco, Davao De Oro kung saan nabaon sa lupa ang mga… Continue reading Resolusyon para maimbestigahan  sa Senado ang nangyaring landslide sa Davao de Oro, inihain ni Sen. Legarda

Pagbuo ng masterplan na magsusulong sa aviation sector, ikinakasa na ng CAAP

Nakatakdang bumuo ng isang masterplan ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa pagpapaunlad ng aviation sector ng bansa. Ayon sa CAAP, layon nito na mapahusay pa ang mga kasalukuyang hakbangin ng sektor para sa kaligtasan, pagpapahusay at pagpapanatili ng kanilang magandang serbisyo. Dahil dito, nakatakdang repasuhin ng CAAP ang kasalukuyang estado ng… Continue reading Pagbuo ng masterplan na magsusulong sa aviation sector, ikinakasa na ng CAAP

Sec. Galvez, tiniyak na iimbestigahan ang reklamo sa umano’y anomalya sa cash grant ng mga na-dekomisyon na MILF members

Binigyang-diin ni Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. na hindi niya kukunsintihin ang anumang anomalya sa decommissioning process ng mga dating mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ang pahayag ay ginawa ni Galvez kasunod ng pagreklamo ng tatlong na dekomisyon na MILF members na nagkaroon… Continue reading Sec. Galvez, tiniyak na iimbestigahan ang reklamo sa umano’y anomalya sa cash grant ng mga na-dekomisyon na MILF members

AFP Chief, nagbigay ng huling pagpugay sa mga sundalong nasawi sa opersayon sa Lanao del Norte

Nagbigay ng huling pagpugay si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa anim na sundalong nag-alay ng buhay sa operasyon noong Linggo laban sa Daulah Islamiya sa Lanao Del Norte. Ito’y sa pagbisita ng AFP chief sa lamay ng mga nasawing sundalo sa 1st Infantry Division headquarters sa… Continue reading AFP Chief, nagbigay ng huling pagpugay sa mga sundalong nasawi sa opersayon sa Lanao del Norte