Matibay na kaso vs. kidnappers ng 6 na Chinese sa Ayala Alabang, pinatitiyak ng DOJ

Ipinag-utos ng Department of Justice (DOJ) sa mga state prosecutor na tiyakin ang pagsasampa ng mabigat na kaso laban sa mga suspek na nasa likod ng pagdukot at pagpatay sa anim na Chinese national at tatlong Filipino citizen, na nangyari sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City noong Oktubre 30, 2023. Ayon kay Justice Secretary Jesus… Continue reading Matibay na kaso vs. kidnappers ng 6 na Chinese sa Ayala Alabang, pinatitiyak ng DOJ

DMW, nangako sa mga mambabatas na agad na maglalabas ng guidelines para sa deployment ng Pinoy workers sa ilalim ng Seasonal Workers Program

Pinasalamatan ni House Committee on Overseas Affair at Kabayan Party-list Representative Ron Salo si Department of Migrants Workers (DMW) Officer in Charge Hans Leo Cacdac, sa agaran nitong pag aksyon upang protektahan ang mga Pinoy worker na nasa ilalim ng Seasonal Workers Program (SWP). Ginawa ni Salo ang pahayag matapos mag-commit ni Cacdac na i-lift… Continue reading DMW, nangako sa mga mambabatas na agad na maglalabas ng guidelines para sa deployment ng Pinoy workers sa ilalim ng Seasonal Workers Program

Parañaque City LGU, sinang ayunan ang pagpapatupad ng multa sa mga e-vehicle at e-tricycle na dumadaan sa national road sa lungsod

Suportado ng Parañaque City LGU ang regulasyon na ipapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Council sa pagpapataw ng multa sa mga e-vehicle at e-tricycle na dumadaan sa National Road. Isa din kasi sa nagiging problema ng barangay ang pamamasada ng e-trike na sobra kung maningil ng pamasahe sa kanilang pasahero. Problema… Continue reading Parañaque City LGU, sinang ayunan ang pagpapatupad ng multa sa mga e-vehicle at e-tricycle na dumadaan sa national road sa lungsod

Pagdinig ng Senado sa panukalang economic chacha, tuloy sa March 5

Tiniyak ni Senate Committee on Constitutional Amendments Chairperson Senador Sonny Angara na tuloy ang pagdinig nila tungkol sa economic chacha sa March 5. Ito ay sa kabila ng mungkahi ni Senador Chiz Escudero, na dapat munang bumalangkas ng malinaw na rules ang Senado tungkol sa pag adopt o pag apruba ng resolusyon tungkol sa panukalang… Continue reading Pagdinig ng Senado sa panukalang economic chacha, tuloy sa March 5

COMELEC, handang magdaos ng charter plebiscite isabay man ito sa 2025 midterm elections o hindi

Muling siniguro ni Commission on Elections (COMELEC) Chair George Garcia na handa ang poll body na magdaos ng plebisito para sa panukalang economic charter amendment—isabay man ito o hindi sa 2025 mid-term elections. Ginawa ito ni Garcia sa kaniyang pagbisita sa Kamara kung saan ginaganap ang Register Anywhere Program (RAP). Aniya, susunod lang sila sa… Continue reading COMELEC, handang magdaos ng charter plebiscite isabay man ito sa 2025 midterm elections o hindi

DTI, bubuo ng vape certification facilities upang masuri ang kalidad at mas maging ligtas gamitin ng publiko

Bubuo na ang Department of Trade and Industry (DTI) ng Vape Certification facilities para sa pagsusuri ng mga vape product sa bansa. Ayon kay Trade Secretary Aflredo Pascual, ito ay sa kabila ng pagpasa ng Vape Law upang magkaroon ng testing sa mga naturang produkto na makapasa sa Philippine standards ang vape products na papasok… Continue reading DTI, bubuo ng vape certification facilities upang masuri ang kalidad at mas maging ligtas gamitin ng publiko

Philippine Coast Guard, na-recover na ang na-hacked nilang Facebook page

Inanunsyo ng Philippine Coast Guard (PCG) na na-recover na nila ang kanilang account sa Facebook Page matapos itong atakihin sa ikatlong pagkakataon ngayong taon. Sa statement na inilabas ng PCG, muli nilang nabawi mula sa mga hacker ang kanilang account kaninang alas 5:45 ng umaga. Naalis na rin daw nila ang page administrators ng mga… Continue reading Philippine Coast Guard, na-recover na ang na-hacked nilang Facebook page

COMELEC Chair Garcia, nagpasalamat sa suporta ng Kamara para sa voter’s registration

Bumisita ngayong araw si COMELEC Chair George Garcia sa House of Representatives para tingnan ang isinasagawang Register Anywhere Program doon. Ngayon ginawa ang unang voter’s registration sa Kamara na susundan ng isa pa sa March 21. Nagpasalamat naman si Garcia sa suporta ng Kamara sa paghihikayat sa mga Pilipino na magparehistro. Ayon kay Garcia hanggang… Continue reading COMELEC Chair Garcia, nagpasalamat sa suporta ng Kamara para sa voter’s registration

Pagbola ng lotto, dapat munang itigil habang may aberya — Sen. Imee Marcos

Umapela si Senadora Imee Marcos na itigil na muna ang mga lotto draw habang may mga isyu pa sa pagbola ng mga numero. Una na kasing napaulat na nagloko ang lotto machine sa 2PM draw ng swertres lotto noong Martes, February 27. Aminado si Senadora Imee na maging siya ay nagulat nang makita ang kinukwestiyong… Continue reading Pagbola ng lotto, dapat munang itigil habang may aberya — Sen. Imee Marcos

Pag-streamline sa halip na pagbuwag sa PS-DBM, posibleng irekomenda ng senate panel

Sinabi ni Senate Committee on Finance Chair Senador Sonny Angara na posibleng irekomenda ng kanyang komite ang pag-streamline sa proseso at kapangyarihan ng PS-DBM (Procurement Service – Department of Budget and Management), sa halip na i-abolish ito. Paliwanag ni Angara, ang orihinal kasing konsepto sa pagbuo ng PS-DBM ay ang tulungan ang mga ahensya ng… Continue reading Pag-streamline sa halip na pagbuwag sa PS-DBM, posibleng irekomenda ng senate panel