Nagpadala na ng reinforcement ang Coast Guard District Southwestern Mindanao (CDG SWM) para alalayan ang rescue dog na si Appa para sa nagpapatuloy na search and rescue operations sa nangyaring Masara landslide sa Maco, Davao de Oro.
Sa mensaheng ipinadala ni Coast Guard District Southeastern Mindanao Chief of Staff Commander Angela Tobias, sinabi nito nagsimula ng umalalay kay Appa ngayong araw, Pebrero 13, ang tatlong rescue dogs ng CGD SWM na sina Britney, Ivy, at Tifa para tumulong sa paghahanap ng posibleng survivors sa nasabing insidente.
Ayon kay Tobias na dumating na kagabi ang tatlong rescue dogs sa headquarters nito sa Davao City at agad ipinadala sa Maco pagkatapos itong mabendisyonan ng kanilang chaplain.
Sa ngayong nasa 68 na ang narekober na patay habang 51 ang missing at 32 ang injured. | ulat ni Armando Fenequito | Radyo Pilipinas Davao
📸 Coast Guard District Southeastern Mindanao