CSC, binalaan ang mga gumagamit sa pangalan at logo ng ahensiya

Nagbabala ang Civil Service Commission (CSC) sa sinumang indibidwal o grupo na gumagamit ng pangalan at logo ng ahensya nang walang pahintulot, ay maaaring makasuhan at makulong. Nilinaw ni CSC Chairperson Karlo Nograles, na walang indibidwal o entity ang binigyan ng kapahintulutan para gamitin ang pangalan at logo kabilang ang lumang CSC emblem, para sa… Continue reading CSC, binalaan ang mga gumagamit sa pangalan at logo ng ahensiya

“Kabit system” sa PUV modernization, pinuna ng mambabatas

Pinuna ni Quezon Rep. Reynan Arrogancia ang natuklasang kabit system sa mga kooperatiba ng pampublikong sasakyan. Lumabas ang isyu sa imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa PUV modernization program. Ayon kay Arrogancia ang kabit system ang sumisira sa maganda sanang hangarin ng PUVMP. Ang ‘kabit system’ ay isang iligal na kasunduan sa pagitan ng isang indibidwal… Continue reading “Kabit system” sa PUV modernization, pinuna ng mambabatas

Pondo para sa modernisasyon ng Philvolcs, pinasisiguro ni Sen. Alan Peter Cayetano

Pinatitiyak ni Senador Alan Peter Cayetano na magpapatuloy ang paglalaan ng pondo para sa modernisasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Ayon kay Cayetano, hindi sapat ang pagpapasa lang ng limang taong plano para sa modernisasyon dahil kailangan nito ng pondo para maisakatuparan. Giit ng Senate committee on Science and Technology Chairperson, makakatulong… Continue reading Pondo para sa modernisasyon ng Philvolcs, pinasisiguro ni Sen. Alan Peter Cayetano

Minimum salary grade ng mga guro sa pampublikong paaralan, ipnapanukalang gawing P50,000

Inihain sa Kamara ang panukalang batas na layong taasan ang minimum salary ng mga guro sa pampublikong paaralan. Sa inihaing House Bill 9920 ng Makabayan Bloc, ipinapanukala na gawing Salary Grade 15 sa ilalim ng Salary Standardization Law ang sahod ng mga guro o katumbas ng P50,000 kada buwan. Ayon kay ACT Teachers Party-list Representative… Continue reading Minimum salary grade ng mga guro sa pampublikong paaralan, ipnapanukalang gawing P50,000

Sapat na supply ng tubig, kuryente, bigas, mais, asukal, at iba pang basic necessity, siniguro ng pamahalaan sa gitna ng El Niño

Siniguro ng Department of Agriculture (DA) ang sapat na supply ng mais, bigas, asukal, karne ng baboy, at manok, at iba pang basic necessity, para sa mga susunod na buwan, kahit pa sa gitna ng nararanasang tag-tuyot sa bansa. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Agriculture Usec Roger Navarro na wala dapat ipag-alala ang… Continue reading Sapat na supply ng tubig, kuryente, bigas, mais, asukal, at iba pang basic necessity, siniguro ng pamahalaan sa gitna ng El Niño

Rep. Erwin Tulfo, umaasang bawiin ni Sen. Villanueva ang binitiwang mga pahayag ukol sa district at party-list representatives

Umaasa si Deputy Majority Leader at ACT-CIS Representative Erwin Tulfo na i-retract o bawiin ni Senator Joel Villanueva ang mga binitiwan nitong pahayag patungkol sa pagkakaiba ng district at party-list representatives sa mga senador Ayon kay Tulfo, posibleng nadala lang ng emosyon ang senador sa mga nabitiwang salita ngunit aminado ito na nasaktan sila. Nagkausap… Continue reading Rep. Erwin Tulfo, umaasang bawiin ni Sen. Villanueva ang binitiwang mga pahayag ukol sa district at party-list representatives

Pagtatatag ng pharma-zones upang mapababa ang presyo ng gamot sa bansa, pinaaaral na ni Pangulong Marcos Jr.

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Food and Drug Administration (FDA) na padaliin pa ang drug application process sa bansa, upang mas mabigyan ng access sa de kalidad na gamot ang mga Pilipino at upang mas mapababa rin ang presyo ng gamot sa bansa. “Pharma-zones should reduce prices. For the moment, ‘yung mga… Continue reading Pagtatatag ng pharma-zones upang mapababa ang presyo ng gamot sa bansa, pinaaaral na ni Pangulong Marcos Jr.

Halaga ng pinsalang tinamo ng palay at mais dahil sa El Niño, nasa P150 million; Bilang ng mga apektadong probinsya, bumaba na sa 41

Tinatayang nasa P150 million na ang halaga ng pinsalang iniwan ng El Niño sa mga pananim na palay at mais sa bansa. “As the President has emphasized, our approach to El Niño is, number one, intervention; number two, mitigation; an then, we enjoined everyone – it’s a whole of government approach. So maganda rin siguro… Continue reading Halaga ng pinsalang tinamo ng palay at mais dahil sa El Niño, nasa P150 million; Bilang ng mga apektadong probinsya, bumaba na sa 41

ERC, pinaalalahanan ang mga distribution utility na suriing maigi ang generation charges ng mga generation company

Pinaalalahanan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga distribution utility na suriing maigi ang naging gastos ng mga generation company gaya ng fuel cost na kalaunay ipinapasa at binabayaran ng mga konsyumer ng kuryente. Ayon sa ERC, kailangan protektahan ang mga konsyumer sa mga hindi karapat dapat na singil sa kuryente. Inilabas ng ERC ang… Continue reading ERC, pinaalalahanan ang mga distribution utility na suriing maigi ang generation charges ng mga generation company

Tatlong paaralan sa Taguig City, binulabog ng bomb threat

Kinumpirma ng Taguig City Police Station na nakatanggap ng bomb threat ang tatlong eskwelahan sa lungsod ngayong araw. Ayon kay Taguig City Police Chief Robert Baesa, kabilang sa mga nakatanggap ng banta ang Univeristy of Makati, Bonifacio Elementary School, at West Rembo Elementary School. Sa West Rembo Elementary School, pinalabas at pinauwi ang mga mag-aaral… Continue reading Tatlong paaralan sa Taguig City, binulabog ng bomb threat