Pilipinas, nasungkit ang Silver Award sa Best Cacao Beans in the World

Nanalo ang Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA) Region XI ng Silver sa prestihiyosong Cacao of Excellence Awards for the Best Cacao Beans in the World. “Isa itong malaking karangalan na aming inaanunsyo na sa 222 entries mula sa 52 origins na mabusising inevaluate ng kagalang-galang na panel ng cacao experts mula sa… Continue reading Pilipinas, nasungkit ang Silver Award sa Best Cacao Beans in the World

Charter ng PhilHealth, pinarerepaso upang makapagbigay ng mas marami pang benepisyo sa mga pasyente

Inatasan ni House Speaker Martin Romualdez ang House Committee on Health na isailalim sa review ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Charter upang mapalawak ang benepisyong ibinibigay sa mga pasyente kasama na ang early detection ng cancer. Layon ng hakbang na ito na makahanap ng paraan kung paano madagdagan ang benepisyo ng mga miyembro at… Continue reading Charter ng PhilHealth, pinarerepaso upang makapagbigay ng mas marami pang benepisyo sa mga pasyente

Mindanao solon nanawagan na huwag gamiting political slogan ang paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas

Nakiusap ang isang mambabatas mula Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na huwag naman sanang gamitin ang Mindanao secession bilang isang political slogan. Sa isang pulong balitaan sinabi ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong na ang panawagang paghihiwalay ng Mindanao mula sa kabuuan ng Pilipinas ay isang insulto sa alaala… Continue reading Mindanao solon nanawagan na huwag gamiting political slogan ang paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas

Iba’t ibang mga aktibidad, handog ng LRTA para sa mga pasahero ng LRT-2 sa pagdiriwang ng Valentine’s Day

Naglatag ng iba’t ibang mga aktibidad ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa mga pasahero ng LRT-2 sa selebrasyon ng Valentine’s Day bukas. Ayon sa LRTA, isasagawa ang mga aktibidad sa LRT-2 Antipolo Station simula alas-7 ng umaga. Kabilang sa mga inihandang aktibidad ang pagbibigay ng bulaklak sa mga pasahero ng tren… Continue reading Iba’t ibang mga aktibidad, handog ng LRTA para sa mga pasahero ng LRT-2 sa pagdiriwang ng Valentine’s Day

Pagtatayo ng EDSA Busway Concourse sa SM North EDSA, pagpapakita ng matagumpay na pagtutulungan ng public at private sector – DOTr

Ikinalugod ng Department of Transportation (DOTr) ang matagumpay na pakikipagtulungan nito sa SM Prime Holdings Inc. para sa konstruksyon ng EDSA Busway Concourse sa SM North EDSA. Ito ang inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa ground breaking ceremony ng naturang proyekto ngayong araw. Ayon sa Transportation Chief, ang pagtatayo ng EDSA Busway Concourse ay… Continue reading Pagtatayo ng EDSA Busway Concourse sa SM North EDSA, pagpapakita ng matagumpay na pagtutulungan ng public at private sector – DOTr

FDA, bukas sa paggamit ng medical marijuana; paggiging legal ng paggamit nito, ipinauubaya na sa mga mambabatas

Bukas ang Food and Drug Administration (FDA) sa paggiging legal ng paggamit ng medical marijuana sa bansa, upang ipantugon sa mga partikular na sakit. Sa press briefing sa Malacañang, ipinaliwanag ni FDA Dir. Gen. Samuel Zacate na patuloy ang innovation sa linya ng medisina. Kailangan aniya na magkaroon ng malawak na pang-unawa ang lahat na… Continue reading FDA, bukas sa paggamit ng medical marijuana; paggiging legal ng paggamit nito, ipinauubaya na sa mga mambabatas

Mga awtoridad, tiniyak na hindi ide-demolish ang Manila Central Post Office

Nangako ang mga cultural authorities ng bansa na hindi ipagbibili at ide-demolish ang Manila Central Post Office na nasunog noong Mayo 2023. Sa naging pagdinig ng Senate Special Committee para sa para sa rehabilitasyon ng Manila Post Ooffice, sinabi ni National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Chairman Victorino Manalo na isasaayos ang gusali… Continue reading Mga awtoridad, tiniyak na hindi ide-demolish ang Manila Central Post Office

Pagkakaroon ng Pilipinas ng veterinary vaccines vs. ASF at Avian Flu, pinatututukan na ni Pangulong Marcos Jr. sa DA at FDA

Inatasan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Food and Drug Administration (FDA) at Department of Agriculture (DA) na tutukan na ang mga usaping humahadlang sa pagkakaroon ng Pilipinas ng mga kinakailangang gamot o bakuna laban sa Avian at African Swine Flu (ASF). Sa katatapos lamang na sectoral meeting sa Malacañang, binigyang diin ng… Continue reading Pagkakaroon ng Pilipinas ng veterinary vaccines vs. ASF at Avian Flu, pinatututukan na ni Pangulong Marcos Jr. sa DA at FDA

Pagpapatayo ng veteran hospitals sa Visayas at Mindanao, pinapanukala ni Sen. Mark Villar

Naghain si Sen. Mark Villar ng isang panukalang batas na layong makapagpatayo ng war veterans’ hospital sa Visayas at Mindanao. Sa Senate Bill 2544 ni Villar, pinunto ng senador na nag-iisa lang ang veterans hospital sa bansa, ito ang Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City. Giit ni Villar, hindi naman accessible para sa lahat… Continue reading Pagpapatayo ng veteran hospitals sa Visayas at Mindanao, pinapanukala ni Sen. Mark Villar

DMW, inaaksyunan na ang student visa to Canada modus

Tiniyak ni Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary Bernard Olalia na inaaksyunan na ng ahensya ang sumbong tungkol sa modus na pag-aalok ng student visa patungong Canada nang may pagkakataon para sa makapagtrabaho sa naturang bansa. Base sa mga sumbong ng mga OFW sa Hong Kong, inaalok sila ng isang Niña Mabatid na mag-apply ng… Continue reading DMW, inaaksyunan na ang student visa to Canada modus