Aabot sa 37 senior citizens sa Malabon City ang nakinabang sa Livelihood Assistance Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) at National Commission of Senior Citizens (NCSC).
Pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval ang pamamahagi ng tig-19 na sako ng bigas sa bawat benepisyaryo.
Katuwang dito ng alkalde ang Senior Citizens Affairs (OSCA) at Nagkaisang Samahan ng mga Senior Citizens Cooperative.
Ayon kay Mayor Sandoval, ang distribusyon ng livelihood assistance ay nagpapatunay ng malasakit ng pamahalaan sa kapakanan ng mga senior citizen sa lungsod.
Sa ilalim ng proyekto ng NCSC at DOLE, nasa kabuuang 2,300 na sako ng bigas ang inilaan sa 144 na Senior Citizens sa buong CAMANAVA.
Bukod sa livelihood package, may ilan pang programang ipinatutupad ang pamahalaang lungsod ng Malabon para sa senior citizens kabilang ang cash assistance, local social pension, feeding program, at emergency employment. | ulat ni Merry Ann Bastasa