Pina-deport na pabalik ng China ang ika-5 batch na Chinese POGO workers na iligal na nagtatrabaho sa Pasay City.
Binubuo ito ng 43 Chinese nationals at isang Vietnamese ang idineport ngayong umaga na pinangunahan ni Usec. Gilbert Cruz at mga tauhan nito ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa pakikipagtulungan ng Bureau of Immigration, DOJ at PNP sa pagkakaaresto nito kahapon.
Ang naturang Chinese nationals ay sangkot sa illegal POGO, online fraud, prostitution den, crypto scams, illegal online at gambling.
Natuklasan ng mga operatiba ang mga iligal na aktibidad ng mga dayuhan matapos salakayin ang isang gusali sa William St. sa lungsod ng Pasay. | ulat ni AJ Ignacio