Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Basic Energy Corporation at Pangasinan I Electric Cooperative (PANELCO 1) para sa planong pagpapatayo ng 50-megawatt solar power project sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa ilalim ng MOA ay isasagawa ang serye ng Distribution Impact Study (DIS) at Distribution Asset Study (DAS) upang malaman ang kakayahan at kalidad ng mga pasilidad at imprastraktura ng PANELCO I.
Layunin nito na pag-aralan ang compatibility ng pasilidad ng PANELCO 1 para sa solar power plant production at malaman ang mga kinakailangang development na kailangang isasagawa sa pasilidad at imprastraktura ng PANELCO 1.
Dagdag dito, bibigyang daan rin ng MOA ang pagpapatayo ng battery energy storage system para sa parehong proyekto.
Ang proyekto ay hahatiin sa dalawang phases kung saan ang unang phase ay mayroong 10MW na solar power project. Samantalang 40 MW solar power project naman ang ikalawang phase ng proyekto.| ulat ni Ricky Casipit| RP1 Dagupan