50 megawatt solar power project, pinag-aaralang itayo sa Pangasinan

Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Basic Energy Corporation at Pangasinan I Electric Cooperative (PANELCO 1) para sa planong pagpapatayo ng 50-megawatt solar power project sa lalawigan ng Pangasinan. Sa ilalim ng MOA ay isasagawa ang serye ng Distribution Impact Study (DIS) at Distribution Asset Study (DAS) upang malaman ang kakayahan at kalidad… Continue reading 50 megawatt solar power project, pinag-aaralang itayo sa Pangasinan

Iba’t ibang programa, nakalatag sa pagbubukas ng CCP PASINAYA 2024 Open House Festival

Inaasahang mapupuno ng iba’t ibang mga palabas, workshop, arts, at marami pang iba ang ginaganap na PASINAYA 2024 o ang taunang multi-arts festival na inorganisa ng Cultural Center of the Philippines (CCP). Para sa taong ito naglaan ang PASINAYA ng higit sa isandaang palabas, workshop, music engagements, teatro, mga sayaw, pelikula, at marami pang iba… Continue reading Iba’t ibang programa, nakalatag sa pagbubukas ng CCP PASINAYA 2024 Open House Festival

DA, DTI at NIA, lumagda sa kasunduan para isulong ang Integrated Rice Supply Chain Development Program

Nagkasundo ang Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI) at National Irrigation Administration (NIA) para tiyakin ang sapat na suplay ng bigas sa bansa. Kasama na rin dito ang pagbuo ng alternatibong pamilihan para sa butil na mapakinabangan ng mga magsasaka at mamimili. Isang memorandum of understanding ang nilagdaan na ng tatlong… Continue reading DA, DTI at NIA, lumagda sa kasunduan para isulong ang Integrated Rice Supply Chain Development Program

National Rice Program ngayong 2024, bubuhusan ng P31-B ▬ PBBM

P31 bilyon ang ilalaan ng pamahalaan para sa National Rice Program ngayong 2024. Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa Ceremonial Harvesting at pamamahagi ng various farm machineries sa bayan ng Candaba, Pampanga. Sinabi ng Pangulo na gagamitin ang P31 billion para pag-ibayuhin ang mga programa gaya ng production… Continue reading National Rice Program ngayong 2024, bubuhusan ng P31-B ▬ PBBM

Naitalang ani noong isang taon na umabot sa 20-M MT, ipinagmalaki ni Pang. Marcos Jr.

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang aniya’y tagumpay sa sektor ng agrikultura noong isang taon. Sinabi ng Pangulo na dahil sa sama-samang pagsisikap sa pagtataguyod sa agricultural sector ay naitala ang 20 milyong metriko toneladang ani ng palay noong 2023. Nagpapakita aniya ito ng 1. 5 percent na pag- akyat o dagdag na… Continue reading Naitalang ani noong isang taon na umabot sa 20-M MT, ipinagmalaki ni Pang. Marcos Jr.

Samu’t saring travel and tour sale sa loob at labas ng bansa tampok sa 31st PTAA Travel Tour Expo

Patuloy ang pag-arangkada ng ika-31 taon ng Philippine Travel Agencies Association Travel Tour Expo (PTAA-PTE) ngayong araw na kasalukuyang ginaganap sa SMX Convention Center sa Mall of Asia Complex sa Pasay City. Tampok sa PTAA Travel Expo ang samu’t saring mga travel sale at discounts sa iba’t ibang destinasyon sa kapwa loob at labas ng… Continue reading Samu’t saring travel and tour sale sa loob at labas ng bansa tampok sa 31st PTAA Travel Tour Expo

DSWD, binalaan ang 4Ps beneficiary laban sa loan sharks o pagsasanla ng cash cards

Pinaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang lahat ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries na ihinto ang pakikipag- ugnayan sa mga loan shark o pagsanla ng kanilang mga cash card. Ayon kay 4Ps National Program Management Office (NPMO) Director Gemma Gabuya, kapag napatunayan ang ganitong gawain ay posibleng matanggal ang mga… Continue reading DSWD, binalaan ang 4Ps beneficiary laban sa loan sharks o pagsasanla ng cash cards

Tangkang pangha-hack sa ilang website ng gobyerno, napigilan ng DICT

Ibinunyag ng Department of Information and Communications and Technology (DICT) ang tangkang pag-atake sa website ng ilang ahensya ng gobyerno nitong nakalipas na linggo. Kabilang dito ang website ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Sinabi ni DICT Undersecretary Jeff Ian Dy, kanila namang napigilan ang pagbagsak ng website ng OWWA at natunton ang IP address… Continue reading Tangkang pangha-hack sa ilang website ng gobyerno, napigilan ng DICT

Ika-79 na anibersaryo ng Battle for Manila inaaalala ngayong araw

Binigyang pag-alala ngayong araw sa lungsod ng Maynila ang ika-79 na anibersaryo ng Battle for Manila na itinuturing na isa sa pinakamalaking bahagi ng kasaysayan ng bansa. Ngayong araw pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuña ang nasabing anibersaryo kung saan nagbigay mensage ito at nagpasalamat sa ating mga bayani na magsisilbi nating inspirasyon sa pagkamit… Continue reading Ika-79 na anibersaryo ng Battle for Manila inaaalala ngayong araw

PBBM, isinulong ang pagpapatupad ng solar irrigation project para sa dagdag patubig na magagamit ng mga magsasaka

Isinulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggamit ng solar power irrigation na aniya’y makapagbibigay ng dagdag patubig sa mga magsasaka. Sa ceremonial palay harvesting at distribution of government assistance na pinangunahan nito sa Candaba, Pampanga, sinabi ng Pangulo na mapatataas ng solar irrigation project ang produksiyon at kita ng mga magsasaka. Sa isang… Continue reading PBBM, isinulong ang pagpapatupad ng solar irrigation project para sa dagdag patubig na magagamit ng mga magsasaka