Nag-abiso ang Quezon City local government na pansamantalang isasara muna sa mga motorista ang ilang lugar sa lungsod para magbigay daan sa ilang araw na selebrasyon ng Chinese New Year.
Simula 9PM ng February 8, 2024 (Thursday) hanggang 2PM ng February 11, 2024 (Sunday) ay pansamantalang sarado muna ang mga sumusunod na kalsada:
- Del Monte Avenue corner Matutum Street
- G. Roxas Street corner Banawe Street
- Linaw Street corner Matutum Street
- Banawe Avenue corner Sta. Catalina Street
- Sta. Catalina Street corner Linaw Street
Ipatutupad din ang traffic rerouting para sa mga motoristang maapektuhan ng pagsasara ng naturang mga kalsada at parking areas para sa mga lalahok sa pagdiriwang.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maaaring dumaan sa Banawe Avenue patungong Sgt. Rivera, kumanan sa Sta. Catalina Street, kaliwa sa Biak na Bato Street, at dumiretso na sa destinasyon.
Maaari din dumaan sa Del Monte Avenue patungong Mayon Street, kanan sa Biak na Bato Street, kaliwa sa G. Roxas Street, at diretso na sa destinasyon.
Para naman sa PUVs na bumabaybay sa A. Bonifacio/Mayon Street, maaaring kumanan sa Sto. Domingo Avenue, kaliwa sa G. Roxas Street, at patungo na sa destinasyon.
Habang ang mga PUV na dumadaan sa Sto. Domingo Avenue/G. Araneta Avenue kanan sa Cordillera Street, kaliwa sa Sta. Catalina Street patungong destinasyon.
Ayon naman sa LGU, nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar. | ulat ni Merry Ann Bastasa