Malugod na tinanggap ni Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. ang suporta ng 6 Gobernador at iba pang lokal na opisyal mula sa Caraga at Northern Mindanao regions, sa Transformation Program (TP) para sa mga dating rebelde.
Ito’y sa isinagawang diyalogo sa pagitan ng mga gobernador ng regions X at XIII at national government agencies (NGAs) na pinangunahan ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and unity (OPAPRU) nitong Lunes.
Kabilang sa tinalakay sa dialogo ang pagpapalawak ng prokeyktong pabahay para sa mga dating rebelde at kanilang pamilya, proyektong pang-imprastraktura, educational grants, amnestiya, capacity development at pagsasanay para sa mga nagbalik-loob, bilang bahagi ng TP.
Ang TP ay mahalagang bahagi ng “peace-building initiatives” ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at kinokonsidera bilang pinaka-epektibong paraan para kontrahin ang CPP-NPA-NDF.
Sa ngayon, 28 lalawigan na sa bansa ang nakabuo ng kani-kanilang TP. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of OPAPRU