Anim na sundalo ang nasawi, at apat ang sugatan sa naganap na enkwentro kahapon sa Brgy. Ramain, Munai, Lanao del Norte sa pagitan ng militar at mga myembro ng Daula Islamiyah.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, nagsasagawa ng Decisive Military Operation ang militar sa lugar nang makaharap ang humigit kumulang 15 myembro ng DI.
Dalawang miyembro ng Daulah Islamiya naman ang nasawi sa bakbakan at ilan pa ang sugatan base sa intelligence Information.
Dahil dito, umabot na sa 18 ang kabuoang bilang ng mga DI na neutralisa ng militar kasama na si alyas “engineer” na mastermind sa Mindanao State University (MSU) bombing.
Ang mga sugatang sundalo ay agad dinala sa Camp Evangelista Station Hospital at kasalukuyang ginagamot. | ulat ni Leo Sarne