Tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na matutuloy ang Mindanao Railway Project (MRP) kahit pa wala itong pondo sa ngayon.
Sa isinagawang Town Hall Meeting para sa Railway Sector sa Davao City, sinabi ng kalihim nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Finance para sa pondo ng MRP.
Nakikipag-usap rin umano sila sa isang ahensya ng gobyerno para naman makakuha ng para at iba pang ahensya upang makakuha Official Development Assistance sa mga mula sa ibang bansa sa ASEAN.
Ayon kay Bautista na gagawin nito ang lahat para matuloy ang MRP dahil itinuturing ito na flagship project ng gobyerno.
Sa ngayon sinimulan na ng pagbili ang mga ground works gaya ng pagbili ng right of way at pagpapatayo ng bahay sa mga maapektohang residente sa Tagum City, Davao del Norte.
#DOTrPH
#BagongPilipinas
#125YearsCASSAmaAngDOTr
#DOTr125thAnniversary