Pinasalamatan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mga tropa na nagbabantay sa Mavulis island sa Batanes, ang pinaka-hilagang isla ng bansa.
Sa kanyang pakikipag-usap sa mga tropa sa Mavulis island detachment kahapon, sinabi ni Gen. Brawner na hinahangaan niya ang sakripisyo at dedikasyon sa tungkulin ng mga tropa sa kanilang pagtanggap ng “remote assignment.”
Sinabi ng AFP Chief na mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga naka-istasyon sa Mavulis island sa territorial Defense ng bansa.
Ang pagbisita ni Gen. Brawner sa Mavulis island, kasama si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro at iba pang matataas na opisyal ng militar at pamahalaan, ay para tiyakin ang morale at kapakanan ng mga sundalong nagbabantay doon, at inspeksyunin ang territorial Defense capablities sa lugar.
Bahagi ito ng paghahanda sa pag-“transition” ng AFP mula sa Internal Security patungo sa external Defense Operations. | ulat ni Leo Sarne
📷 Photos By Mr Fred Abuda JR/DND