Ipinaabot ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang kanyang pakikiramay sa mga pamilya ng 6 na sundalo na nasawi kahapon sa pakikipaglaban sa mga miyembro ng Daulah Islamiya sa Munai, Lanao Del Norte.
Tiniyak pa ni Gen. Brawner sa mga pamilya ng mga nasawing sundalo at sa publiko na makakamit ang hustisya at hindi titigil ang militar sa pagtugis sa mga kalaban.
Kasabay nito, siniguro din ni Gen. Brawner na personal niyang sisiguruhin na matatanggap ng apat na iba pang sundalo na nasugatan sa naturang enkwentro ang pinakamahusay na medikal na atensyon.
Ayon sa Heneral, nananatiling mataas ang motibasyon ng mga tropa na tapusin ang kanilang trabaho at kumpletuhin ang kanilang misyon na wakasan ang lahat ng lokal na teroristang grupo.
Sa ngayon, aabot na sa 18 miymebro ng Daulah Islamiya ang na-nutralisa sa patuloy na pagtugis ng militar, kabilang si alyas “engineer”, na umano’y mastermind ng Mindanao State University (MSU) Bombing sa Marawi noong nakaraang taon. | ulat ni Leo Sarne