Patuloy ang pag-iikot ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa iba’t ibang kampo militar para personal na kumustahin ang lagay ng mga tropa.
Kahapon ay binisita ni Gen. Brawner ang Visayas Command sa Cebu at 301st Infantry Brigade in Iloilo.
Kasunod ito ng kanyang pagbisita sa mga tropa sa 103 Infantry Brigade sa Marawi City noong Miyerkules at sa 1st Division Headquarters sa Zamboanga del Sur noong Martes.
Sa kanyang pagharap sa mga tropa sa Cebu, pinuri ni Gen. Brawner ang malaking tagumpay ng Visayas Command sa kampanya laban sa mga teroristang komunista sa Visayas.
Sinabi ni Gen. Brawner na nasisiyahan sa mga accomplishment ng mga tropa, at kumpiyansa siya na sa taong ito ay makakamit na ng AFP ang “Total Victory” laban sa NPA sa Visayas. | ulat ni Leo Sarne
📷 Photos by SSg Ambay/PAOAFP