Mahigpit na ipapatupad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagtitipid ng tubig sa lahat ng kampo militar sa buong bansa.
Ito’y bilang pagtalima sa kautusan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa gitna ng nararanasang El Niño o tag-tuyo na nakakaapekto sa suplay ng tubig.
Sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. nakikiisa ang militar sa mga hakbang ng adminstrasyon Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maibsan ang epekto ng tag-tuyot.
Ayon kay Gen. Brawner, ang pagtitipid ng tubig sa mga kampo ay bahagi ng kanilang “proactive approach” sa pagtitipid ng resources ng bansa at bahagi ng kanilang environmental stewardship.
Matatandaang, binilinan ni Sec. Teodoro ang lahat ng ahensya ng gubyerbo na striktong ipatupad ang “water conservation program”, matapos buhayin ng Pangulong Marcos ang Task Force El Niño sa pamamagitan ng Executive Order no. 53. | ulat ni Leo Sarne