Itinalaga ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang chief agriculturist na si Enrico Miguel Capulong, bilang bagong Officer-in-Charge Director ng Bureau of Animal Industry (BAI).
Si Capulong ay dating pinuno ng Manila South Harbor Quarantine Office bago maging OIC-Director ng BAI. Papalitan niya si Paul Liamson na ngayon ay director na ng Biotechnology Program Office ng Department of Agriculture (DA).
Bukod dito, itinalaga din ni Sec. Laurel si Romeo Manalili bilang Officer-in-Charge Assistant Director ng BAI.
Ang pagbabago sa mga namumuno sa mga sangay na ahensya ng DA ay bahagi ng mga reporma na ipatutupad ng ahensya.
Ang BAI ay itinatag noong 1930 upang imbestigahan, pag-aralan, at iulat ang sanhi ng mga sakit sa mga hayop upang ito ay mapigilan at maisulong, at pagpapabuti sa livestock industry ng bansa. | ulat ni Diane Lear