Umakyat na ang bilang ng nasawi at missing sa nangyaring landslide sa Barangay Masara, Maco Davao de Oro nitong nakaraang February 6, 2024.
Sa inilabas na pahayag ng 1001st Brigade kagabi, February 8, umabot na sa 11 ang na-retrieve na patay as of 5:00 p.m.
Samantala, umabot naman sa 110 ang bilang ng “missing” sa nasabing insidente.
Patuloy namang tumutulong ang kasundaluhan ng 1001st Brigade sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) para sa paghukay ng mga nawawalang biktima ng landslide. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao
📸: 1001st Pag-asa Brigade