Pinaalalahanan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga pulis na manatiling apolitical at wag susuporta o sasama sa mga grupong nagsusulong ng paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ng PNP Chief na aktibong naka-bantay ang counter-intelligence ng PNP sa buong hanay ng kapulisan.
Sa ngayon aniya ay wala pa namang pulis na na-monitor na sumusuporta sa naturang hakbang.
Ayon pa sa PNP Chief, nagbigay narin ng commitment ang mga ground Commander ng PNP na solidong nasa likod sila ng liderato at konstitusyon.
Babala ng PNP Chief, kung meron man sa kanilang hanay na matatagpuang sumusuporta sa mga grupong nagsusulong ng pagkakawatak-watak ng Pilipas, sila ay agad i-re-relieve. | ulat ni Leo Sarne