Nagbabala ang Civil Service Commission (CSC) sa sinumang indibidwal o grupo na gumagamit ng pangalan at logo ng ahensya nang walang pahintulot, ay maaaring makasuhan at makulong.
Nilinaw ni CSC Chairperson Karlo Nograles, na walang indibidwal o entity ang binigyan ng kapahintulutan para gamitin ang pangalan at logo kabilang ang lumang CSC emblem, para sa anumang aktibidad o online promotions.
Binigyang-diin ni Nograles na posibleng ginagamit na ito sa iligal na aktibidad at dapat lang mapanagot sa batas
May mga ulat din ng unscrupulous individuals na gumagamit ng pangalan ng CSC Officials at employees sa panggigipit sa mga empleyado ng iba pang ahensya ng gobyerno, upang pilitin silang magbayad ng pautang at obligasyon mula sa mga indibidwal o lending institutions.
Apela ni Nograles sa publiko, na agad isumbong sa CSC ang sinumang indibdwal o grupo na ni-rerepresinta ang ahensya. | ulat ni Rey Ferrer