Nakatakda nang magpadala ng tulong ang Department of Agriculture (DA) sa mga rehiyong naaapektuhan ngayon ng El Niño.
Kabilang sa ipapamahagi nito ang higit 5,000 bags ng vegetable seeds na nagkakahalaga ng ₱990,000 sa mga apektadong magsasaka sa Western Visayas.
Inaasahang aabot rin sa 198 na mga magsasaka ang makikinabang dito.
Plano rin ng DA na mag-procure ng planting materials para sa high value crops na ilalaan naman sa Zamboanga Peninsula.
Bukod pa ito sa cloud seeding operations, pest control management, at paghikayat sa mga magsasaka na magtanim ng drought-resistance crop varieties.
Batay sa pinakahuling El Niño bulletin, pumalo na sa ₱151.3-million ang halaga ng pinsalang idinulot ng El Niño sa mga sakahan sa Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
Aabot na rin sa halos 4,000 magsasaka ang apektado ng tagtuyot.
Ayon sa DA, ieendorso nito ang mga apektadong magsasaka sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) para sa karagdagang assistance, gaya ng financial support. | ulat ni Merry Ann Bastasa