Binalaan ng Department of Agriculture (DA) ang mga lalawigang patuloy na nakakaranas ng masamang panahon.
Ito ay dahil sa nakakaranas ng makulimlim na panahon at pag-ulan ang ilang lalawigan bunsod ng walang patid na pag-iral ng northeast monsoon partikular na sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon Province, Metro Manila, at ang nalalabing bahagi ng Luzon.
Patuloy din na nararanasan ang easterlies at localized thunderstorm ang nalalabing bahagi ng bansa.
Una nang inihayag ng PAGASA Weather Bureau ang posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng weather disturbances sa mga nabanggit na lalawigan.
Bukod pa dito, pinaaalerto din ng DA ang Disaster, Risk Reduction and Management-Operations Center Weather Monitoring ang mga major river basin at major dams o water reservoir, bunsod ng amihan at easterlies. | ulat ni Rey Ferrer