Inaasahang magiging kauna-unahang guro sa kanilang pangkat-katutubo ang dalawang estudyante ng Philippine Normal University – South Luzon o PNU-SL Campus.
Sa Facebook post ni Dr. Roel Avila, Dean for Academics and Technology & Livelihood Education sa nasabing unibersidad, ipinagmalaki niya sina Dahlia at Janeth Jugueta na kapwa kumukuha ng kursong Bachelor in Mathematics and Science Elementary Education.
Ang dalawang mag-aaral ay mga katutubong Aeta.
Ayon pa kay Dr. Avila, pangarap nina Dahlia at Janeth na maging kauna-unahang mga guro sa kanilang ethnic tribe sa ika-apat na distrito ng lalawigan ng Quezon, na nagsisikap makatapos upang makapagserbisyo sa kanilang pangkat.
Samantala, umani ng mga positibong reaksyon mula sa netizens ang nasabing post ni Dr. Avila. | ulat ni Mara Grezula | RP1 Lucena
📷Dr. Avila