Naglabas ng P70 milyong pondo ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa ilalim ng Agrarian Reform Fund para sa farm-to-market road sa Palo, Leyte.
Ang naturang pondo ay gugugulin sa pagpapagawa ng mga kalsada sa tatlong farming village sa nasabing lalawigan.
Sa groundbreaking activities na isinagawa sa Barangay Cangumbang, inihayag ni DAR Eastern Visayas Regional DIrector Atty. Robert Anthony Yu, malapit nang mapakinabangan ng mga residente ang farm-to-market roads na 4.10 kilometers na mula Cangumbang hanggang San Agustin at ang 1.5 kilometers na mula San Agustin hanggang Cabarasan Daku.
Ani Yu, ang interbensyon para sa farm-to-market road ay kabilang sa siyam na prayoridad ng DAR at kasama sa pangunahing agenda ng administrasyong Marcos.
Sinabi pa ng opisyal na ang dalawa sa limang proyekto ng farm-to-market road na pinondohan ng P70 milyon ay ipapatupad ngayong taon sa Leyte.
Aabot naman sa 600 agrarian reform beneficiaries ang inaasahang makikinabang sa mga proyektong ito dahil mapapadali na sa mga magsasaka na dalhin sa mga pamilihan ang kanilang mga produkto. | ulat ni Diane Lear
📷: DAR