Hihintayin muna ni Davao de Oro Representative Ruwel Peter Gonzaga ang report ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) kaugnay sa nangyaring pagguho ng lupa sa Maco, Davao de Oro kung saan hindi bababa sa 50 ang nasawi.
Ayon kay Gonzaga, sa ngayon, nakikita nila ang insidente bilang isang natural calamity.
Paliwanag ng kinatawan, noong nakaraang taon ay nakaranas ng mga lindol lang sa Mindanao na sinundan ng matagal na buhos ng ulan dahil sa magkasunod na epekto ng shear line at trough ng LPA.
Dahil dito nagkaroon na ng bitak sa lupa at doon naman pumasok ang tubig.
Ayon pa aniya sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kayang tubig ulan lamang sa kanilang lugar ay 228 millimeter ngunit ang bumuhos sa kanila ay nasa 885 millimeter.
Aminado naman ang mambabatas na hindi nila isinasantabi na posibleng mayroon din epekto ang minahan sa lugar.
Maliban pa sa idineklara na pala ng MGB ang ‘ground zero’ bilang no build zone.
Kaya hihintayin aniya nila ang resulta ng sariling assessment ng MGB at doon ibabase ang kanilang tugon at kung sila ay magpapatawag ng imbestigasyon para dito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes