Mandato ng Department of National Defense (DND) na pangalagaan ang soberenya at integridad ng pambansang teritoryo alinsunod sa itinatakda ng konstitusyon.
Ito ang binigyang diin ni DND Sec. Gilbert Teodoro sa isang kalatas, kasabay ng pagtiyak na striktong ipatutupad ng DND ang mandatong ito, laban sa panlabas o panloob na banta.
Ang pahayag ng kalihim ay sa gitna ng pagsulong ilang grupo na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.
Una naring nag-ikot si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa mga kampo militar sa Mindanao at pinaalalahanan ang mga tropa na manatiling nakatutok sa kanilang mandato, at patunayan na sa pamamagitan ng malakas at nagkakakaisang AFP ay maitataguyod ang isang malakas at nagkakaisang bansa. | ulat ni Leo Sarne