Patuloy ang ginagawang monitoring ng Department of Energy(DOE) para sa mga major projects ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ngayong unang quarter ng 2023.
Ito’y kasunod ng pagtitiyak ng Energy Department sa sapat na energy supply ng bansa sa kasagsagan ng El Niño phenomenon.
Ayon kay DOE Undersecretary Felix William Fuentebella, nais nilang tiyakin ang energy security ng bansa ngayong El Niño at summer season.
Kung kaya hindi malaking concern ang power situation, lalo pa at on going na rin ang pagsasaayos ng ilan pang energy supply ng bansa.
Samantala, iginiit ng ahensya sa gitna nito patuloy ang paghahanda ng pamahalaan para sa posibleng maging epekto ng matinding init ng panahon na inaasahang magtatagal hanggang sa buwan ng Mayo. | ulat ni AJ Ignacio