Iniimbestigahan na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga alegasyon na korapsyon ng transport at civilian group laban kay Land Transportation Office Chief, Assistant Secretary Vigor Mendoza II.
Sa isang pahayag, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang mga akusasyon ay inihayag sa pamamagitan ng open letter mula sa Federated Land Transport Organizations of the Philippines (FELTOP) at ng Coalition for Good Governance.
Kabilang na rito betrayal of public trust, grave abuse of authority, loss of trust and confidence, acts prejudicial to the public, reputational risk against the Philippine government at corruption.
Ayon sa kalihim, ang mga nabanggit ay seryosong mga akusasyon at kinakailangan ng malalim na imbestigasyon.
Sa ngayon, pinagpapaliwanag naman ng DOTr si Mendoza kaugnay sa mga paratang laban sa kaniya.
Tiniyak naman ng DOTr sa publiko na tututukan ang mga reklamong ito.
Matatandaang noong November 2023 naghain na rin ng dalawang magkaibang kaso sa Ombudsman ang FELTOP laban kay Mendoza.| ulat ni Diane Lear