Magtutulungan ang Department of Transportation Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT), Department of Health (DOH), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang matugunan ang issue sa mga hindi awtorisado o kolorum na mga ambulansya.
Sa isang pahayag, sinabi ng SAICT na magsasagawa ito ng press conference at orientation sa March 1 kasama ang mga nabanggit na ahensya ng pamahalaan.
Layon nitong bigyang linaw ang hindi tamang paggamit ng mga ambulansya, at ang maling gawain ng pagmamarka sa mga sasakyan bilang “ambulansya” para samantalahin ang right of way.
Ayon sa SAICT, hindi lang ito nagdudulot ng pinsala at panganib sa publiko, nababalewala rin ang tunay na gamit ng mga ambulansya.
Mahalaga anilang maitaas ang kamalayan ng lahat ng stakeholders kaugnay sa isyu na ito upang matukoy at mahuli ang mga hindi awtorisadong ambulansya.
Kumpiyansa naman ang SAICT, na mawawakasan ang maling gawain para sa kaligtasan at integridad ng mga ambulance service para sa lahat. | ulat ni Diane Lear