Pinuri ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa pagganap sa kanilang mandato para mapigilan o mapababa ang pagkawala ng buhay at ari-arian sa karagatan sa bansa.
Sa kanyang talumpati sa isinagawang Town Hall Meeting sa Davao City para sa Maritime sector, ikinagalak ng kalihim ang tagumpay nito sa pagbabantay sa West Philippine Sea sa pakikipag-ugnayan sa Task Force the West Philippine Sea.
Ayon kay Bautista, sa kabila ng banta, patuloy pa ring nagpapatrolya ang PCG lalo na sa bandang Ayungin Shoal, Bajo de Masinloc, at Kalayaan Group of Islands.
Kasama rin sa ikinatuwa ng kalihim ay ang mga pagpupursige ng PCG para gampanan ang Marine Safety and Security, Law Enforcement, Search and Rescue, at Maritime Environment Protection.
Dagdag ng opisyal na naging matagumpay ang PCG dahil sa kanilang pakikipag-ugnayan sa ibang ahensya na nakatulong sa pagganap sa kanilang tungkulin. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao
📸: Coast Guard District Southeastern Mindanao