Pinaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang lahat ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries na ihinto ang pakikipag-
ugnayan sa mga loan shark o pagsanla ng kanilang mga cash card.
Ayon kay 4Ps National Program Management Office (NPMO) Director Gemma Gabuya, kapag napatunayan ang ganitong gawain ay posibleng matanggal ang mga benepisyaryo sa listahan ng programa.
Aniya, nagsasagawa sila ng spot check sa mga family development session at dapat dinadala ng mga benepisyaryo ang kanilang ATM,
Paalala pa ni Director Gabuya na dapat maging modelong mamamayan ang mga 4Ps na sumusunod sa mga alituntunin ng programa.
Sa kasalukuyan, gumawa ng mga rekomendasyon ang 4Ps NPMO na amyendahan ang Republic Act No. 11310 o ang 4Ps Law sa pamamagitan ng pagsasama ng mga probisyon upang parusahan ang mga loan shark at ang pagsasangla ng mga cash card. | ulat ni Rey Ferrer