Nagkasundo sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian at Qatar Ambassador to the Philippines Ahmed Saad Al-Homidi, na magtutulungan para sa development initiatives sa Mindanao.
Sa kanilang pulong, ibinahagi ni Secretary Gatchalian ang ilang “areas of concern” na maaaring mag-intervene ang Qatar Government.
Matutulungan nito ang DSWD sa pag-angat ng buhay ng mga vulnerable at marginalized sector ng lipunan, kabilang ang mga bata sa Mindanao.
Isang Memorandum of Understanding ang nakatakda nang lagdaan ng DSWD at ang Qatar Embassy para isapinal ang partnership para sa posibleng development efforts. | ulat ni Rey Ferrer