Muling pinagtibay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kolaborasyon nito sa pamahalaang panlalawigan ng Lanao Del Norte para sa pagpapaigting ng mga nakatutok sa peace and development ng lalawigan.
Sa isang pulong, tinalakay nina DSWD Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Alan Tanjusay at Lanao del Norte Governor Imelda Quibranza-Dimaporo ang posibilidad ng pagbuo ng localized committee sa lalawigan sa pagpapatupad ng normalization program.
Isa ito sa mga programa ng DSWD na layong tulungan ang mga dating MILF combantants na makapagbagong buhay at maging produktibo sa komunidad.
Ayon kay Usec. Tanjusay, malaking hakbang ang naturang komite para matugunan ang ilang isyu kabilang na ang concerns sa hindi pagkakasama ng ibang Decommissioned Combatants (DCs) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa normalization program ng DSWD.
“The localized committee is a powerful program that allows them to tailor-fit their initiatives to each community’s unique needs and characteristics. The program’s community-driven approach empowers local communities, promotes inclusivity, and ensures that development efforts are sustainable and effective,” ani Undersecretary Tanjusay.
Napagkasunduan namang magsasagawa ng assessment ang DSWD sa pangangailangan ng Decommissioned Combatants (DCs) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na hindi naging bahagi ng kanilang programa.
Makikipag-ugnayan din aniya ang DSWD sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) para mabigyang linaw ang pagkakaalis ng ilang dating rebelde sa validated list ng mg benepisyaryo sa MILF Normalization Program. | ulat ni Merry Ann Bastasa