Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ayuda sa mga biktima ng landslide sa Maco, Davao de Oro.
Ayon kay DSWD Spox Romel Lopez, makakaasa ang lahat ng naapektuhan gayundin ang kaanak ng mga nasawi sa tulong ng pamahalaan.
Nasa P5,000 aniya ang ilalaan sa bawat nasugatan habang P10,000 naman ang ayuda para sa kaanak ng mga nasawi.
Sa ngayon, tuloy tuloy na aniya ang ginagawang assessment ng DSWD at pakikipagugnayan sa mga LGU para matukoy ang lahat ng mangangailangan ng tulong.
Sa inisyal na tala ng OCD, nasa 7 na ang patay, 31 ang sugatan habang 49 naman ang nawawala sa nangyaring landslide sa Maco, Davao de Oro. | ulat ni Merry Ann Bastasa