Walang patid pa rin ang buhos ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residenteng naapektuhan ng mga pag-ulang dulot ng trough ng LPA sa Mindanao.
Ayon sa DSWD, umakyat pa sa higit ₱268-million ang naipaabot nitong tulong sa mga apektado sa Davao Region, Soccsksargen, CARAGA, at BARMM.
Kabilang rito ang family food packs at cash asssitance sa mga napinsala ang tahanan.
As of February 21 ay mayroon pang higit 800 pamilya o katumbas ng 3,616 indibidwal ang nananatili pa rin sa evacuation centers dahil sa LPA.
Habang aabot na rin sa 799 ang bilang ng kabahayan na labis na napinsala habang 1,151 naman ang partially damaged. | ulat ni Merry Ann Bastasa