Hinihikayat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang buong bansa na makiisa sa paglaban sa pang-aabuso at pagsasamantala sa mga bata.
Ginawa ng DSWD ang panawagan bilang paggunita sa “National Awareness Week for the Prevention of Child Sexual Abuse and Exploitation.”
Tuwing ikalawang linggo ng Pebrero ng bawat taon ginugunita ito alinsunod sa ipinatutupad na Proclamation No. 731, series of 1996.
Hinikayat ng DSWD ang sinuman na makasaksi ng mga kaso ng karahasan laban sa mga bata, ay mangyaring ipagbigay-alam sa mga awtoridad.
Maaari ring gamitin o tumawag sa 1383 Makabata Helpline upang magbigay ng agarang tulong, pagsubaybay, at feedback tungkol sa lahat ng karapatan ng bata.| ulat ni Rey Ferrer