Welcome sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nakamit na top 1 spot sa public satisfaction rating ng Tugon ng Masa (TNM) survey ng OCTA Research.
Sa naturang survey na isinagawa mula December 10 hanggang December 14, 2023, nakakuha ng 86% na public satisfaction rating ang DSWD, ikatlo rin sa public trust rating na may 82%.
Naniniwala si DSWD Asst. Secretary for Strategic Communications Romel Lopez na malaking bagay ang mga bagong programa na inilunsad ng ahensya gaya ng Food Stamp Program, Tara, Basa! Tutoring Program at Project Pag-Abot kung kaya’t nakamit nito ang mataas na public satisfaction rating.
Dagdag pa nito, patunay ito ng pagsisikap at dedikasyon na ipinapakita ng mga ‘angels in red vests’ o mga kawani ng kagawaran.
“We will continue to innovate to protect the vulnerable poor and marginalized.”
Ayon pa kay Asec. Lopez, ang TNM survey ay nagpapatunay na ang liderato ni Secretary Rex Gatchalian ay epektibo sa pagbibigay ng social protection programs sa mga Pilipino na nangangailangan ng kalinga.
“Behind these ratings are our personnel, the DSWD’s ‘Angels in Red Vests’, who continue to bring our services closer to the public,” ani pa Asst. Sec. Lopez.
Kabilang pa sa mga ahensyang pasok sa top 5 list ng performing agencies base pa rin sa TNM survey ay ang Commission on Higher Education (CHED), Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH), at Department of Public Works and Highways (DPWH).
“On behalf of the entire DSWD, we thank the Filipino people for appreciating and recognizing the significant role of every angel in red vest in addressing the needs of the marginalized and ensuring the welfare of every Filipino, especially during challenging times,” sabi pa ng opisyal. | ulat ni Merry Ann Bastasa