Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang buong suporta ng administrasyon sa ginagawa ng Filipino Chamber of Commerce of Honolulu at Honolulu City Council Trade Mission, na paghanap pa ng mga paraan upang mapalalim ang economic ties ng Hawaii at Pilipinas.
Sa courtesy call ng mga ito sa Malacañang, ngayong araw (February 22), sinabi ng Pangulo na naniniwala siyang malaki pa ang potensyal sa linyang ito lalo’t malaki ang pagkakapareho at magkatulad ang pangangailangan ng Hawaii at ilang lugar sa Pilipinas.
Sabi ng Pangulo, makailang ulit na rin niyang binigyang diin na ang paraan upang sumulong ang ekonomiya ng bansa ay sa pamamagitan ng kalakalan.
Ito aniya ang dahilan kung bakit ang pamahalaan ay puspusan sa pagkayod upang mapadali ang pamumuhunan sa bansa.
“What we have been trying to do is to make the investments or the exchanges easier so that it is more transparent, more accountable.” -Pangulong Marcos.
Kasabay nito, patuloy rin aniyang tinutugunan ng pamahalaan ang mga problema sa labas ng bansa na nakakaapekto sa Pilipinas.
At ipagpapatuloy aniya ng gobyerno ang direksyong tinatahak nito, para sa mas marami pang kalakalan at pamumuhunan.
Sabi ng Pangulo, marami pa ang malalaking oportunidad ang maaaring mabuksan sa pagitan ng Hawaii at Pilipinas, at ngayon pa lamang nagpapasalamat na ang Pilipinas sa pagkilos ng Filipino Chamber of Commerce of Honolulu at Honolulu City Council Trade Mission sa layon ng mga ito na i-explore at maisakatuparan ang mga potential trade and investment na ito.
“It is very important that we in this administration has really done all we can to encourage the strengthening of those exchanges because we consider it very, very important. We have always, come to a very clear principle that the only way forward in terms of the economy in the PH, and for that matter, for the rest of the world, is trade.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan