Maganda ang simula ng Enero 2024.
Ito ang reaksyon ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda matapos maitala ang 2.8% inflation rate para sa buwan ng Enero.
Aniya, malaki ang ambag dito ng pagbaba sa presyo ng mais, sibuyas, bigas, maging asukal.
Kaya namana inaasahan na ng economist solon na mas bubuti ang presyuhan ng pagkain ngayong taon.
Halimbawa aniya ang bigas, posibleng mas magstabilize aniya ang presyuhan nito sa Mayo oras na marapos na ang eleksyon sa India.
Katunayan kung wala lang aniyang external shocks sa global rice price ay psoibleng mas mababa pa sana ang inflation rate ng Pilipinas.
Kaya mahalaga aniya na mapalakas ang produksyon natin ng bigas sa pamamagitan ng pagpapatubig at pagtatanim ng hybrid seeds.
“The rice price situation could begin stabilizing after May 2024, when the Indian elections take place. India’s decision to ban non-basmati rice imports is essentially a political one, rooted in the desire to lower Indian market prices in time for the elections.” Ani salceda
“The way forward is to significantly increase domestic production of rice. It is doable. We have irrigated only about a third of our arable land. We have only planted some 0.6 million hectares with hybrid seeds, out of a target 1.9 million, with a total of 4.8 million hectares for the palay sector. Completing the target hybrid acreage will improve rice self-sufficiency from 77 percent to a healthy 90 percent – making us les susceptible to global rice price shocks.” Dagdag ng mambabatas.
Malaking bagay din aniya ang pamumuhunan ng Department of Agriculture sa corn processing system sa pagpapababa ng presyo ng mais na nakatulong din sa pagpapababa ng presyo ng karne.
Nakatulong din ani Salceda ang panahon ng anihan ng mga gulay, gaya ng sibuyas para mapababa ng presyo ng mga ito.
Naniniwala ang Albay solon na ang mas magandang presyuhan ng pagkain ngayong taon ay may positibong ambag sa ating ekonomiya.
Kaya mahalaga rin aniya ang papel na gagampanan ngayong taon ni Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel para maisakatuparan ang mga ito. | via Kathleen Jean Forbes