Ngayong papalapit na ang pagdiriwang ng Chinese New Year, muling nagbabala ang environmental group na EcoWaste Coalition ukol sa pagbili ng lucky charm bracelets o pampasuwerte na may lamang nakalalasong mga kemikal.
Sa isinagawang market monitoring ng grupo sa Binondo at Quiapo, Manila, lumalabas na nagkalat ang charm bracelets na mabibili mula sa P25- P75 kada piraso.
Nang suriin ang mga ito, natukoy na may taglay itong mataas na lebel ng toxic metals.
Katunayan, 17 sa 23 charm bracelets kabilang ang mga Pi Yao na isinailalim sa analyzer ang naglalaman ng mataas na concentration ng cadmium.
Ayon sa Ecowaste, ang matagal na cadmium exposure ay maaaring magdulot ng malalang sakit gaya ng cancer.
“The fact that cadmium was not detected on six of the 23 analyzed charm bracelets indicates that such products can be produced sans health-damaging chemicals,”
Upang maiwasan naman ito, hiniling ng Ecowaste sa mga jewelry maker na gumamit ng non-toxic substitutes sa kanilang mg ibinebenta.
“It also advised consumers to insist on their right to chemicals in product information, and for manufacturers, importers, distributors and retailers to recognize such right by labeling and disclosing the identity of chemicals in their products.” | ulat ni Merry Ann Bastasa