Kasalukuyang sumasailalim sa sytem upgrade ang electronic Freedom of Information (eFOI) ng Executive Branch para i-improve pa ang user experience ng gumagamit ng nasabing portal gayundin ang pagpapalakas ng security features nito.
Sa anunsyo sa Facebook ng FOI Philippines, nagsimula pa noong Miyerkules, Enero 31, ang nasabing update at magtatagal ito hanggang Pebrero 5 upang masiguro ang katiyakan at seguridad ng eFOI portal.
Maliban dito layunin din ng maintenance na mapaunlad ang platform ng eFOI na isang mahalagang bahagi para sa pagsulong ng transparency at papadali ng access sa mga pampublikong dokumento.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang FOI-Program Management Office para sa suporta ng publiko at umaasang maipapakita na nito ang pinabuting eFOI platform pagkatapos ng update.
As of February 2, may 592 na mga ahensya ng gobyerno ang bahagi na ng eFOI portal, na nagpapakita ng commitment ng gobyerno sa mabilisang access sa public records. | ulat ni EJ Lazaro